(Cleo’s POV) Agad na napakunot ang noo ko ng maramdaman ko ang bigat ng katawan ko, saka ako dahan dahang nagmulat ng mga mata dahil sa bigat ng talukap ng mga mata ko. Pakiramdam ko ay mabigat din ang ulo ko, saka ko lang napagtanto ang pamilyar na amoy na naaamoy ko sa ngayon. “Don’t move.” Agad akong napalingon sa nagsalita sa kanang bahagi ko saka ko nakita si Phoenix na nakaupo di kalayuan sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay nauulit ang nangyari noon, ganitong ganito ang hitsura namin noong na-hospital ako dahil sa pagligtas ko kay Jenna, noong hindi pa ako nagpupunta sa america. Napatitig lang ako sa kanya hanggang sa maalala ko ang mga nangyari at dahil doon ay agad akong napabangon. “Are you okay?” Napatingin ako kay Leanna ng tanungin niya ako saka ako

