(Cleo’s POV) “Sigurado ka bang ilalabas mo ang mga bata?” muling tanong ni Blake sa akin dahilan para mapabuntunghininga ako. “Niyaya kasi sila ni mama, hindi naman ako makatanggi dahil gustong gusto din nila. Sabi ni mama ay kasama naman daw nila si papa, sasama na lang din ako para makasiguro,” agad kong sagot sa kanya habang kausap ko siya. “Sige, kikilos narin kami. Kaylangan nating makasiguro na ligtas kayo,” Blake said to me. Ibinaba ko na ang tawag pero hindi ko ibinaba ang device na suot ko. I need to be observant, nasa labas ang mga anak ko kaya kaylangan ko ding maging maingat. Agad akong nagpark ng sasakyan ng pumarada din si papa, sa tabi na nila ako nag-park para hindi na kami magkalayo, sa kotse din kasi ni papa nakasakay ang mga bata. Buti na nga

