(Cleo’s POV) “These are the people na kaylangan nating bantayan,” I said almost whispering. Agad ko ding ipinamigay sa kanila ang mga papel na naglalaman ng mga pangalan na nagsimulang makipag-ugnayan sa ibang organization simula ng tumahimik ang organization namin. “Kaylangan nating malaman kung nasa atin pa ang katapatan nila, kapag wala na ay alam niyo na ang gagawin,” muli kong sabi sa kanila. Humiwalay kami nina Storm sa party para lang pagusapan ang mga bagay na ito. Sa totoo lang ay matagal ko na iyong trinabaho, kaya lang ay ngayon lang ako nagkaroon ng panahon na sabihin ito sa kanila. Sa ngayon ay nasa labas pa rin sina Phoenix at kami lang nina Law, Storm, Kirst, Ava, Hunter, Massi, Killian, Marcus, Leanna, at Leon ang magkakasama dito. “I-kon

