(Cleo’s POV) Matapos naming kumain ay agad naman kaming naghanda ng pagpunta sa Mall para makabili ng mga kaylangan ko. Sinamahan din naman kami nina Ava kaya sa sasakyan pa lang ni Phoenix ay masaya na dahil hindi nagdala ng sasakyan si Ava. Sa ibang sasakyan naman sumakay sina Killian, Massi at Hunter na nauuna na sa amin. Sabi ni Phoenix ay sa malapit na mall na lang din daw kami pupunta para hindi na kami matagalan dahil limang research paper pa ang gagawin ko bukod sa assignments at projects. Hindi naman nagtagal ay nakarating narin kami sa mall, nauna na kaming bumaba ni Ava at sumunod lang naman agad sa amin si Phoenix, maging yung tatlo. Hindi ko nga alam kung hindi lang ba napapansin ni Phoenix o talagang hinayaan niya akong magsuot ng short ngayon, weird.

