Chapter 3

3957 Words
(Cleo’s POV)       Ano kayang binabalak ng babaeng yun? Bakit ngayon ay gusto niya akong magtrabaho sa anak niya? Okay lang ba siya? Alam niya naman kung gaano ko kinamumuhian ang anak niya, nananadya ba siya?   Hindi ako naniniwala na yung issue dati ang problema, alam kong sinasadya niya ito, kilala ko siya, kung gugustuhin niya akong tulungan kayang kaya niyang gawan ng paraan ang issue sa edad ko, pero hindi niya iyon ginawa dahil alam kong sinasadya niya iyon.   “magusap tayo.”   Bungad ko sa dean pagkasagot niya ng tawag ko ng tawagan ko siya pagkalabas ko ng resto.   “Cleo?”   Bungad ng ginang na halatang excited at masaya na tumawag ako sa kanya, marahil naiisip niya na ngayong himala ito pero hindi ako natutuwa doon.   “nababaliw ka na ba? Bakit ginawa mo akong P.A ng anak mo? Alam mo naman na ayaw na ayaw kong makita ni maalala yang anak mong baliw!”   Hiyaw ko na may pagbabanta habang nakatayo ako sa labas ng resto, I can't take it anymore. I needed to talk or else, I’ll be fvck up.   “Are you still affected? kasi ang anak ko naman mukang hindi na.”   Sagot niya na ikinatawa ko agad ng mapakla na alam kong ikinatahimik niya naman.   “Affected? Affected my ass, ayoko lang talaga na makasama pa siya pero alam mo na kahit kaylan wala ng epekto sa akin ang anak mo, siya nga ang affected sa akin hindi ba?”   Matagal na natigilan ang nasa kabilang linya dahil sa isinagot ko bago ko marinig ang isang buntunghininga mula sa kanya.   “wala na akong mapaglalagyan sa iyo kundi yun lang, nakatanggap na naman ako ng memo for accepting you to work for me, baka nakakalimutan mo na minor ka sa paningin ng lahat, dahil ito dun sa kaso ng dating manager kaya naungkat na naman ang issue sa edad mo.”   Dahil sa sinabi niya ay sandaling na-blangko ang utak ko, kapagkuwan ay ako naman ang napabuntunghininga, hindi nga ako nagkamali ng hinala pero ang hirap paring maniwala sa kanya. Kilala ko siya, kilalang kilala ko siya kaya hindi ako makapaniwala sa mga dahilan niya.   “yan lang ang open position na pwede kitang ilagay na hindi ka na kukwestyunin ng kahit na sino.”   Ibinaba ko na agad ang tawag at hindi ko na ginustong marinig pa ang iba niyang sasabihin saka ako paulit-ulit na bumuntunghininga. This is bullshit. Totoo ba to o nananadya lang talaga siya? Ginigipit niya lang siguro ako dahil alam niyang hindi pwedeng wala akong trabaho.   Sumakay na lang agad ako ng taxi saka sinabi ang address na pupuntahan ko sa taxi driver. Saka ako muling nagpakawala ng isang malakas na buntunghininga ng alam kong nakalayo na ako sa resto.   Alam ko na panibagong adjustments na naman ang gagawin ko, at mukang hindi to maganda, kahit pa sabihin na malaki ang sasahudin ko bilang P.A ng lalaking yun, ang katotohanang hindi namin gustong makasama ang isat isa ang alam kong magpapahirap sa pagtatrabaho ko sa kanya.   Ramdam na ramdam ko ang mga tingin niya sa akin, alam na alam kong hindi kami magkaka-sundo. Alam na alam ko na hanggang ngayon ay pareho naming kinasusuklaman ang isat isa.   Napatunghay ako ng tumigil na ang taxi sa pag-andar. Ibinaba ako ng Driver sa labas ng gate ng subdivision, s**t. Royal Subdivision? This was the most expensive subdivision in the country, dito parin ba sila nakatira? Muli kong tiningnan ang address sa papel na ibinigay ng manager sa akin kanina. Shoot! Hindi ko ba ito napansin agad dahil sa sobrang occupied ang utak ko?   Lumapit na lang agad ako sa guard house at agad namang umalis ang taxi, ipinakita ko narin agad ang visitors passes ko, pero bago ako papasukin ay may tinawagan muna sila, para marahil I-confirm sa may-ari ng pupuntahan ko na nandito na ako.   Pagpasok ko ay inihatid naman ako ng service na exclusive sa loob ng subdivision, this is for free I guess. Inihatid ako ng driver sa gitna ng subdivision, saka ako ibinaba sa tapat ng bahay na nasa sentro, this is not the biggest house in this subdivision pero sa sobrang laki nito ay aakalain mong ito na ang pinaka-malaki.   I approach the gate and press the doorbell, tirik na ang araw wag mong sabihing tulog pa ang mga tao dito?   “Hey?”   Napalingon ako sa nagsalita sa likod ko at nakita kong si Ava iyon, I didn’t talk pero ngumiti siya ng tipid sa akin, inaasahan niya na marahil ako, baka ibinilin na ako ng Tita niya sa kanya.   “Come in? Wag ka ng magtaka dahil dito din ako nakatira, actually even Hunter, Killian and Massi, pero kahit na ganon ay si Phoenix lang naman ang boss mo sa amin.”   Binuksan niya ang gate habang nagsasalita siya, buti na lang kahit papaano ay andito si Ava, pero alam kong hindi niya rin ako maisasalba sa pinsan niya. At kahit naman hindi niya sabihin sa akin, alam ko kung kanino ang bahay na ito.   Pumasok na kami at naglakad palapit sa entrance, malawak ultimo ang bakuran nila, at ilang sasakyan din ang makikita mong nakaparada sa harapan ng bahay. Pagpasok mo ng magarang pintuan ay magarang bahay din ang mabubungaran mo sa loob, every details in this house was shouting luxury. Walang pagbabago, hinding hindi ko malilimutan ang bahay na to.   “Galing kasi ako sa Security house para ipalagay ang pangalan mo sa papayagang pumasok sa subdivision, good thing na nasaktuhan na nandito ka narin, anyway sa taas ang kwarto naming apat, ikaw ang kwarto mo ay yung kwarto sa ilalim ng hagdan.”   Napatango ako sa sinabi niya pero hindi ko din maiwasang mag-assume na ipapagamit parin niya sa akin ang dati kong kwarto. Sabagay, bakit ba umaasa parin ako na welcome ako dito? Bakit mayroong bahagi ng puso ko na umaasa na hindi ako nawalan ng puwang sa bahay na to? Pero kay Ava na nanggaling, tinanggal niya na ako sa buhay niya at sa bahay niya.   Itinuro niya ang nagiisang kwarto sa ilalim ng magarang hagdan, nasa gitna ang hagdan na iyon, sa kaliwa nito ay ang magarang sala at sa kanan ang nasisigurado kong kusina.   “Wait? You mean I’ll live here?”   Nagtataka kong tanong ng ma-realize ko ang sinabi niya, wala naman sa usapan ang bagay na yon di ba?   “Yes.”   Hindi ko pinakita sa kanya na naapektuhan ako sa sinabi niya pero ang totoo ay gusto ko ng magmura ng maraming beses sa nalaman ko. s**t. Talagang hindi maganda to. Nasa kontrata din ba yun?   “Wala yung apat kaya ako lang ang makakasama mo sa ngayon pero baka mamaya ay aalis narin ako, you don’t need to clean the whole house for us, siguro magluluto ka lang at maglalaba ng sarili mong damit, ang mga damit kasi namin ay lalabhan ng maid na pumupunta dito every Saturday and every day ay may pupunta naman ditong maglilinis, pero hindi ko rin alam ang iba mo pang gagawin kasi di ba magiging P.A ka ni Phoenix, hindi ko din alam kung anong ipapagawa niya sayo bukod sa mga sinabi ko.”   Bumakas ang bahagyang pag-aalala sa muka niya, alam niyang hindi kami magkakasundo ng pinsan niya.   “Ang sahod mo naman ay buo mong makukuha na ilalagay na lang sa bank account mo, libre din lahat ng nandito para sayo, siguro kapag may gusto ka ay isabay mo na lang din sa pamimili mo kasi ikaw din ang gagawa nun, and then the other things si Phoenix na ang bahala.”   Ngumiti siya sa akin matapos niyang sabihin yun.   “Saka nga pala may isang rule si Phoenix dito sa bahay, sabi niya bawal kang umakyat sa taas kahit na anong mangyari, so for now magpahinga ka na muna, dahil magsisimula ang trabaho mo pagdating ng amo mo mamaya.”   Tinapik niya ako saka siya ngumiti matapos niyang sabihin iyon. Sa taas? Bakit kaya bawal ako sa taas? Wait? Bakit ba parang gusto kong umakyat dun? Mas okay nga yun ‘di ba?   “may pagkain nga pala sa kusina, you can eat first.”   Umalis na siya at ako naman ay pumasok na sa kwarto ko na sinasabi niya, mabilis akong naglinis doon at nagbihis, buti na lang din at palagi akong may dalang damit para pag-out ko sa trabaho ay may pamalit na agad ako in case na pupunta ako sa library ng school, gawain ko kasi iyon kahit walang klase.   Saka ko lamang napansin ang magandang kwarto na inookupa ko ng matapos na akong maglinis at magbihis, malawak ito at hindi naman mukang kwarto ng yaya. Inayos ko na lang ang ilan pang mga bagay dito bago ako lumabas ng kwarto, sakto naman na pababa na ng hagdan si Ava.   “Oh? Buti may damit kang dala, anyway? Do you wanna get your things? Tumawag na ako ng sasakyan para masakyan mo, don’t worry driver namin yon, ikaw na ang bahala ah? I need to go.”   May iniabot siya sa aking card saka siya ngumiti matapos niyang sabihin iyon ng magabot kami sa baba ng hagdan.   “use that card, access mo yan pagpasok dito, mauna ka narin ako na ang magsasara ng bahay.”   Lumakad na lang ako palabas at sumakay sa kotse na naghihintay sa akin sa labas dahil sa sinabi niya. Sa totoo lang ay hindi ko alam ang gagawin ko sa ngayon, hindi ko alam kung itutuloy ko ba to o hindi? May choice naman akong huwag magtrabaho sa kanila di ba? Pero anong gagawin ko? Kaylangan ko ng pera, kaylangan ko ng trabaho at hindi ako pwedeng umalis agad dito ng wala akong ibang trabaho na ipapalit.   Ilang pares ng damit lang ang kinuha ko sa bahay ko at ilang gamit na kaylangan ko sa paglipat at bumili narin ako ng ilang personal needs bago ako bumalik sa bahay ni Phoenix. Pagdating ko doon ay nakita kong nadagdagan na ang sasakyan na nasa labas ng bahay, at marahil ay nandito na ang anak ng Dean na yun.    Ibinaba lang din ako ng driver sa may gate at agad naman siyang umalis doon kaya kinuha ko na ang mga gamit ko at saka ako pumasok sa loob. Pagpasok ko ay natanaw ko na agad sila sa sala at mukang hindi nga ako nagkamali.   “Yow Cleo my friend.”   Hindi ko pinansin ang lalaking feeling close na yun na bumati sa akin, kinunutan ko lang din naman ng noo si Hunter na nakatitig na naman sa akin saka ako dumako ng tingin kay Phoenix na katabi ni Killian, himala wala siyang sunglasses ngayon.   Napatingin lang din agad ako sa damit ko dahil duon siya nakatingin. Napakunot ang noo ko dahil doon, may masama ba sa Tshirt at pantalon? Lumapit na lang ako sa kanila kahit dala ko pa ang maleta ko saka ako naupo kahit hindi pa niya ako pinauupo saka ko siya kinunutan ng noo.   “Ava already said the other rules, and I needed to hear yours and the contract too, I needed to see that.”   Tiningnan niya lang ako ng masama matapos kong sabihin yun, ano bang problema ng isang to? Wala naman akong pakielam sa kanya maliban sa trabaho ko sa kanya pero parang siya ang malaki ang problema sa aming dalawa.   “Don’t be so bossy dahil P.A lang naman kita.”   Sita niya sa akin and I don’t care at all and I didn’t talk also dahil nonsense naman ang mga sinabi niya. P.A my Ass, anong problema sa pagiging P.A?   “Wala ka namang masyadong gagawin basta susunod ka lang sa akin kahit saan ako magpunta dahil trabaho mo yun, sasama ka din sa opisina ko, and here’s the contract.”   Maya maya ay sabi niya saka iniabot ang kontrata sa akin, I hurriedly scan the whole contract saka ako sumandal sa kinauupuan ko at dumekwatro habang binabasa ko ang contract at wala akong pakielam kung para akong boss sa paningin niya dahil inaasar ko lang talaga siya.   Upon scanning the whole contract, binanggit nga doon ang tungkol sa pag-aaral ko dito gaya ng sinabi ng manager na yun kanina, at sabi pa dito na kapag pumapasok na ako ay hindi na kaylangan na sumama ako sa kanya sa opisina pero kapag weekends ay dapat pumasok parin ako, pero habang wala pa ang pasukan ay sasamahan ko na lang muna siya.   “You just needed to obey me and just follow whatever I’ve said.”   Pinirmahan ko na lang ang kontrata saka ko agad na iniabot sa kanya. Good thing I have a day off may araw ako para mapahinga sa mga kagaguhan niya. “For now pumunta ka na muna sa kwarto mo, tatawagin kita kapag may ipagagawa ako sayo, ayoko ng pagala-gala ka dito kapag wala ka namang gagawin, maliwanag?”   Napakunot lang ang noo ko saka ako napatingin sa kanya.   “Mas mabuti nga na wag mo na akong tawagin, I can stay there the whole day.”   Pang-aasar ko sa kanya pagkasabi niya non saka ako agad na tumayo at pumasok sa kwarto ko, inayos ko narin agad ang gamit ko pagdating ko sa loob dahil baka maya maya ay tawagin narin ako ng baliw na yun.   Good thing din talaga na I already search things about them lalo na ang tungkol sa mga kaibigan niya, hindi na ako mangangapa ngayon kung sino ba talaga sila dahil doon. I mean kilala ko siya, pero yung iba sa kanila ay hindi.       ----------------------------------     Kahapon ay hindi naman ako inutusan ng mokong na yun maghapon at hanggang kagabi ay wala parin siyang ipinagawa sa akin, hanggang sa mag-dinner ay wala, ultimo nga ang dinner ay hindi rin ako ang pinagluto niya, after dinner naman ay naghugas lang ako ng plato at bumalik na sa kwarto ko dahil wala naman siyang iniutos, hanggang sa makatulog na lang ako ay hindi naman niya ako ipinatawag.   And today I woke up early and dress formal para sa pagsama ko sa kanya sa company niya, for sure naman ay isasama niya ako kahit ayaw ko.   I already did research also about his company kagabi bago ako makatulog dahil makakatulong yun sa akin at para rin hindi na ako mangapa sa papasukan ko. Habang inaayos ko ang buhok ko ay napakunot ang noo ko ng marinig kong tumunog ang cellphone ko, sino naman kaya ang magte-text sa akin ng ganito kaaga?   Kinuha ko agad ang cellphone na nakapatong sa side table pagkatapos kong ipusod ang maiksi kong buhok, may lumaylay pang ilang piraso ng buhok ko sa muka ko pero hinayaan ko na iyon, napakunot na naman ang noo ko ng makita kong galing sa unregistered number ang text na iyon, binuksan ko agad ang text.   ‘We will be leaving any minute by now, get up.’   Marahil ay si Phoenix ito, siguro nakuha niya ang number ko sa mommy niya. Inilagay ko na ang phone ko sa maliit kong backpack saka ako nagpabango bago lumabas ng kwarto, flat shoes lang din ang sinuot ko dahil hindi ako kumportable sa mga matataas ang heels na sapatos.   Paglabas ko ng kwarto ko ay nagpunta agad ako sa kusina at nagluto, kumain man sila o hindi basta kakain ako. Itinaas ko pa ng konti ang sleeve ng polo ko saka ako nagluto, buti na lang may mga ganito akong damit, ginamit ko kasi ito nung mga panahong nag-o-OJT pa ako. “Nice? You are really ready.”   Napalingon ako sa nagsalita sa likod ko habang nagaayos ng pagkain at ngumiti lang naman siya sa akin saka siya naupo sa silya niya sakto din naman ang pasok niya dahil tapos narin akong magluto, katatapos ko lang din maglagay ng mga plato at naghuhugas na ako ng kamay para kumain na sana.   “I love your outfit very bossy, and your curly short hair and that piercing.”   Hindi ko na lang din siya pinansin ng sabihin niya iyon sa akin, totoo naman kasing kulot ang buhok ko, maiksi ito at may piercing ako. My outfit was a typical polo and a skirt, good thing my skirts was all pencil cut and mahahaba sila na abot hanggang ibabaw ng tuhod ko.   Kanina ko pa nga naiisip na ang weird din nitong si Ava eh, nagagandahan siya sa suot ko samantalang hindi ako sanay sa ganito.   “What kind of coffee?”   Tanong ko sa kanya matapos kong ihanda ang mug para sa kape ko. She just smile at me.   “I want a coffee with cream please.”   She answered kaya tumalikod na muli ako para ihanda ang kape niya.   “Ako din.”   Napalingon ako sa nagsalita and he just smile at me its Killian, nandito na siya ata kasama niya narin sina Hunter at Massi.   “Black coffee sa akin, Cleo.”   Sabay namang sabi ni Massi at Hunter sa akin.   “Black coffee.”   Dagdag din ng magaling kong amo sa kasunod narin nila saka sila nagsi-upo sa mga silya nila kaya nagtimpla na lang din ako ng kape para sa kanila, good thing may coffee maker din dito.   “Whoah! what are you doing?”   Humarap ako kay Killian dahil sa tanong niya, marahil nagtataka siya sa ginagawa ko, malamang hindi nila alam ang mga bagay na to, sila kasi yung tipo na iinom na lang ng kape at ako ang tipo na taga-timpla. Una ko ng sinerve ang kape ni Killian at Ava, pareho silang napasinghap sa nakita nila sa kape nila.   “Whoah! nice!”   Sabay nilang sabi na parang hindi pa makapaniwala.   “Ang astig, yung sa akin din Cleo!”   Sabay na sabi ni Massi at Hunter na manghang mangha sa ginawa kong art sa kape nung dalawa. Ginawa ko na lang din ang sinabi nila at gumawa pa ng dalawa na magkaiba din ng design bukod pa sa kape ko.   “I need to capture this.”   Ava said at maya maya ay narinig ko na lang ang mga tunog ng camera nila.   “Me too.”   Sang ayon din nung tatlo pa habang busy sila sa pagkuha ng litrato. Tiningnan ko lang din naman si Phoenix para manigurado sa kape niyang ipapa-timpla.   “Dark or with cream?”   Tiningnan niya lang din ako, s**t. Hindi ko gusto ang mga tingin niya. Dapat pala hindi ko na inulit ang tanong.   “Just dark.”   Sagot niya na walang kabuhay-buhay kaya iniabot ko na sa kanya ang dark coffee niya saka ako naupo sa silya ko.   “Next time you don’t need to wear that kind kung hindi mo kayang dalahin.”   Phoenix said to me pero hindi ko siya tiningnan, wala akong pakielam sa nararamdaman niya dahil hindi ko naman siya boyfriend at saka ikinatutuwa ko pa yung sinabi niya no, edi masusuot ko narin ang gusto kong pants and just T-shirts.   “Don't mind him, Cleo. You look stunning and beautiful whatever you wear, you rock every outfit dear! Baka naman naiinggit lang siya sa future husband mo.”   Napalingon ako sa pinto ng kusina ng may magsalita doon, ang babaeng yan.   “Come on Cleo Baby, whats with the look? Sorry na kung inilagay kitang P.A niyang anak ko, pansamantala lang naman yan, kapag pumasok ka na sa school ay babalik ka na sa resto, okay ba yun? Tyagain mo muna siya.”   Nilapitan ako ng ginang matapos niyang sabihin iyon at hinalikan niya ako sa noo, hindi naman na ako nagsalita pa, nonsense ang makipagtalo pa sa kanya, ito nga at papasok na ako kasama ng anak niya ‘di ba?   “Hey? Kayo? Ingatan niyo ang batang ito, malilintikan kayo sa akin kapag napahamak siya.”   Gusto kong matawa sa sinabi niya sa mga iyon pero hindi ko na din iyon pinansin, baka nga ako pa ang mag-ingat sa mga ito. Pft.   “Enjoy Cleo, okay? I’ll see you later, dumaan lang talaga ako para sayo.”   Pagkasabi niya noon ay hinalikan niya rin sa pisngi si Ava na katabi ko saka ang anak niya saka siya umalis, binilisan ko na lang din naman ang pagkain para naman mauna na ako sa labas, hindi ko na kasi matagalan ang mga matang nakatitig sa akin. Tsk.   Hindi naman nagtagal ang paghihintay ko dahil maya maya lang din ay dumating na ang mga yun, paglabas nga nung apat ay nagsisakay agad sila sa kani-kanilang sasakyan. Wait? papaano naman ako?   “Here.”   Dinig kong sabi ng baritonong tinig sa likuran ko kaya ako napalingon at saka ko nakita si Phoenix doon. Hindi na ako sumagot at ibinalik ko na lamang ang tingin ko sa sasakyan niya at akmang bubuksan ko na sana ang pintuan sa likod ng kotse niya ng magsalita na naman siya.   “Hindi mo ako driver, dun ka sa harap.”   Hindi na ako nag-react sa sinabi niya at umikot na lang agad ako sa passenger seat para matapos na ang kalokohan nitong Phoenix na ito. Sumakay narin naman agad siya at nag-seatbelt.   “your seatbelt.”   Maya maya ay sabi niya kaya nilingon ko agad ang gilid ko para makapag-seatbelt na sana pero nakita ko na lang ang kamay niya na parang yumakap sa akin at kinuha ang seatbelt kaya natigilan ako dahil doon, pinanood ko na lang din siya na maikabit ang seatbelt dahil ayoko siyang tingnan, alam ko kasi na napakalapit niya sa akin.   Hindi siya nagsasalita habang ikinakabit niya ang seatbelt ko pero nararamdaman kong nakatingin siya sa akin, ramdam na ramdam ko iyon at lalo akong pinakakaba ng mga titig niyang iyon, pero pinilit kong huwag ipahalata sa kanya na kinakabahan din ako. Matapos niyang ikabit ang seatbelt ko ay mabilis narin kaming lumabas ng bahay at tinahak ang daan palabas ng subdivision.   Spell awkward, hindi na ako sanay na ganito kami. Para sa akin nga ay isang malaking kahibangan na nakasakay ako dito ngayon. Kung hindi lang talaga mahal ang pamasahe ay magta-taxi na lang ako.   “Since when you became close with my mom again?”   Maya maya ay tanong niya na sigurado naman ako na para sa akin dahil kami lang naman dalawa ang nandito, unless may iba siyang nakikita na kasama namin dito. Ikinakunot lang din ng noo ko ang tanong niya dahil para sa akin ay ang weird noon, at kaylan pa naman siya naging interesadong malaman yun? Ano namang pakielam niya doon? “You have to answer me.”   Nagbabanta ang tono niya ng sabihin iyon at gusto ko na naman tuloy tumawa dahil sa kanya.   “Alam mo kung kaylan yun, and she just started to be clingy to me when she saw me again.”   Simpleng sagot ko dahil totoo naman yun, bigla na lang naging baliw yung nanay niya ng makita na naman niya ako. Hindi na siya nagsalita muli kaya hindi narin ako nagsalita pero maya maya ay nagtanong na naman siya.   “What's your perfume?”   And this time napalingon ako sa kanya dahil sa tanong niyang iyon to find him looking at me also, bigla siyang nag-iwas ng tingin so I did that too. Ano namang problema niya sa pabango ko? Kabisado niya pa ba ang amoy ng pabango ko? Siguro naalala niya na hindi na ito ang dati kong pabango, wait? Bakit naman niya maiisip yun? Baliw ka narin yata Cleo.   Hindi ko na siya sinagot sa tanong niya at matapos non ay hindi narin siya nagtanong hanggang sa tumigil kami sa parking lot ng isang mataas at magandang building. Talagang mayaman nga sila, and this business man beside me own this.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD