(Cleo’s POV) “Hi?” bati ko sa mga dumating na agad din namang yumakap at humalik sa akin. “Talagang dito na kayo sa mansion nanatili a,” Blake said dahilan para matawa na lang din ako. “We need to, we needed a big house dahil kapag nasa bahay kami ni Phoenix ay malaking disaster ang nangyayari,” agad kong sagot sa kanya na tinawanan lang din naman nila. Dumiretso lang din sila sa sala kung saan naroon sina Mama at Papa kasama sina Fourth at Fifth na nasa crib nila. “Hi twins,” bati nila sa kambal habang ang triplets naman ay busy rin na naglalaro sa playground nila kasama si Lionel. Si Isabella naman ay inilagay na lang din ni ate sa malaking crib ng kambal. Ipinahanda ko na lang din naman ang pagkain namin sa mga maids at saktong dating naman ni Phoe

