Napatingin din siya dahil hinabol niya ang tingin ng mata ko. "Saf... You are naughty." sagot niya lang. "Ikaw naman hindi ka na mabiro. Masyado ka kasing seryoso eh. Masama ba magbiro?” tawa ko rito. "Don't dare me." sabi niyang bigla na kinatingin ko. "'Wag mo din akong hamunin dahil hindi ako marunong umatras kapag nasimulan na." sabi ko naman sa kanya habang nakatingin nang maigi sa mga mata nito. Actually magkadikit na kami dahil lumapit ako sa kanya habang nagsasalita ako kanina. "Iba ako maghamon. Baka hindi mo din ako mahindian.." banggit ko habang nililikot ang buhok niya at nilalapit ang bibig ko sa tenga niya. Gusto ko kasi siyang ma-arouse sa mga sinasabi ko. Tinigil ko ang pagkalikot sa buhok niya instead ay tinitigan ko siyang maigi at nagtanong..

