"Momsie, Nandito na po ako." Bungad ko. Pag-dating na pag-dating ko nang Bahay. "O kanina ka pa ba diyan?" Tanong nito saakin. "Ahh.. Kararating ko lang naman po" Sagot ko naman sa kanya. "O hindi mo nanaman kasama si Attorney?" "Umalis nanaman po agad e! Saka madalas siyang busy. Kaya hindi na po nakakababa dito saatin kapag hinahatid niya ako" Paliwanag ko. "Ahh. Ganon ba? Bising-busy talaga siya ano? O sige, Maupo ka riyan at mag-kuwento ka saakin kung anong nangyari" Nanlaki ang mga mata ko at biglang kinabahan sa narinig kong sinabi ni Momsie. Kaya naman hindi ako agad na nakasagot sa kanya. "Ano, Lorina bakit hindi ka na makasagot diyan?" Huminga pa ako ng malalim bago ko tuluyang ibuka ang bibig ko para mag-salita at makasagot na sa kanya. "Ahh yun ba, Momsie. Oo nga pal

