"Bakit hindi mo ako agad pinapababa? May sasabihin ka ba?" Tanong ko dito pero hindi niya naman ako sinagot. Ay Dedma? "Can you please wait?" Ang sungit nanaman niya! Kaya ayon hindi na ako nagsalita pa. Kinagulat ko yung sunod niyang ginawa. At talagang sa harapan ko pa? Oh my ghaaaad! Ano ba ang balak niyang gawin. Ano ba ang gusto niyang mangyari?! Pakiramdam ko nanaman tuloy sobra na akong namumula dito. Ang init-init na rin nang buong mukha ko. "Momsie! Tulungan mo'ko. Mo---" Nag-tanggal siya ng Coat niya. Tinatanggal niya rin yung Tie niya. Hanggang sa pati yung polo na suot niya at hinubad niya sa harapan ko. Hoyyy, Anong ginagawa niya? Oh my gash! "A-anong gagawin mo?" Natataranta pang sabi ko. Hindi ko siya kayang tignan! Pero yung mga mata ko nasa Pandesal niya! JuiceColo

