“Lolo...” nahihirapang sabi ko. Naka-upo siya sa isang wheel chair at maraming nakalagay na turok sa kaniyang kamay. Mukhang hinang-hina ang kaniyang katawan. Mapapansin mo rin ang pangangayayat niya. Kung noon ay mukhang nakatatakot ang mukha ni lolo, ngayon ay mukha ng kaawa-awa dahil sa katandaan at kalagayan niya ngayon. “Apo..” pag-uulit nito. He opened his arms widely, na parang sinesenyasan niya akong yakapin siya. Hinayaan kong tumulo ang luha ko. Humihikbi akong habang naglalakad palapit sa kaniya. Am I dreaming or what? Hindi ako makapaniwala sa nangyayari ngayon. Nang nasa harapan na niya ako ay niyakap ko siya. Isang mainit na yakap ang sumalubong sa akin, pinikit ko ang mga mata ko at dinamdam ang mga yakap na nais kong maramdaman noon pa man. “Apo... I'm sorry..” hirap

