Ngingiti-ngiti ako sa harap ng camera habang nile-letratuhan kami ng photographer. Ang daming tao ngayon ang dumalo sa kasal ni Thalia, at iilan lang ang kilala ko rito. Ang mga ibang inimbitahan niya ay mukhang yayamanin na, dahil baka ito ang mga kamag-anak at pamilya niya? Posible na gano'n nga 'yon. Hinigit ako ni Thalia at dinala sa mga babaeng nag kumpulan. “Hi! This is Samarah, my best friend!” nagagalak na sabi ni Thalia sa mga babae. Tumingin naman siya sa akin. “Nakilala mo na 'tong mga pinsan ko?” Ipinakilala niya sa akin ang iilang babaeng naro'n. Nginitian ko lang sila isa-isa kahit na halos hindi ko maalala ang pangalan nila. Ang alam ko kase ay ipinakilala na sila sa akin ni Thalia, ngunit sa picture lamang iyon kaya hindi ko sila gaanong makilala ngayon. Mas maganda ka

