Gabi na at ang akala ko ay uuwi na kami pero dinala ako ni Sean sa Plaza. Napakaraming tao at ang saya ng lugar na 'to, punong-puno ng mga iba't-ibang kulay at nag-kalat ang mga tindero't tindera sa mga gilid-gilid. Ang ingay naman dito ah, may event ba? “Kumain tayo ro'n,” ani Sean at sumunod ako sa kaniya. Tumigil kami sa isang barbeque-han. Umupo kami sa isang lamesa at si Sean na ang tumayo at pumili ng makakain namin. The lights are brimming throughout the Plaza. May banda ring kumakanta. Natauhan ako nang ibigay sa akin ni Sean ang plato na merong pagkain. Ngumiti ako at nagdasal kami bago ito kainin. “Kumakain ka pala rito?” I asked. Wala lang, hindi ko kasi akalain na kumakain pala siya rito, ang akala ko puro sa restaurant lang siya or mga luto niya at nang mga maid lang

