Unti-unting iminulat ni Querencia ang mga mata at napabangon siya mula sa damuhan nang marinig ang tawa ng isang bata. Inilibot niya ang tingin sa paligid at parang nasa isa siyang bakuran. Greens are everywhere. “Mom! Look! Look! I found a little wolf in the woods!” sigaw ng isang bata at napabaling naman siya rito. Mayron itong kulay itim na buhok at parang nasa limang taon pa ang edad. Tumayo siya at nilapitan iyon. Sinilip niya ang mukha nito at napasinghap naman siya nang mapagtanto kung sino ito. It's the young Castriel... Ang cute nito habang buhat buhat nito ang isang maliit na... What the héll?! It's a wolf! Nakarinig siya ng mahinhing tawa ng isang babae mula sa kanyang likuran at kasunod nito ay ang isang magaang yabag sa damuhan ang lumapit sa gawi nila kaya napalingon

