U.S.A Present time: "Ilayo nyo sakin yan!!!!" sigaw niya habang pinapaalis ang mga nurse na nakapaligid sa kanya "hindi ko kayo kailangan mga letse!" "Sir.. kailangan nyo na pong inumin ang gamot nyo" pakiusap ng isang nurse sa kanya. "Wag nyo na akong pilitin! lalo akong hindi gumagaling!" inis na inis siya sa mga ito. Lagi siyang pinapainom ng gamot pero ang pakiramdam niya, lalo siyang nalulumpo. "Nasaan si Ellie?!" "Labas lang po si madam para mag grocery.." sagot ng isa pang nurse. "Iniwan niya ko sa inyo ha? bakit hindi niya ko isinama?!" "Marami po kasing lakad si madam.. mahihirapan po siya kapag kasama kayo" sagot ng isa pang nurse. "So, nahihirapan na pala siya sakin ngayon?" "Hindi naman po sa ganon sir" nakayuko ang nirse nung sumagot "baka po mapagod lang kayo sir.."

