Hindi man ganun kadetalyado ang kwento ng ina, naiintindihan niya ito. Nag iyakan sila ng mama niya. "Ma.. pangako, hahanapin ko si Angeli" niyakap niya ang ina. Tiningnan niya ang hitsura ng mama niya nung bata pa. 'Bakit may kamukha siya?' "Hindi ako naniniwalang niloko ako ng tatay mo. Kaya itinago ko ang sulat niya. Ang dami naming pinagdaanan." Ipinakita ng mama niya ang sulat ng kanyan ama.. Ngayong alam na niya ang totoo, tama lang pala na hindi siya magtanim ng sama ng loob sa tatay niya. Ang kailangan na lang niyang gawin ay hanapin ang nawawalang mag ama. "Wag kang mag alala mama, gusto mo bang buuin pa ang pamilya natin?" "Matagal ko ng pangarap anak.. Ngunit hindi namin mahanap ang tatay at kapatid mo. Kahit saang records, wala." "May itatanong lang ako sa inyo" sabi niy

