Nakapunta na siya sa Link in Bar ilang beses na. Masaya kasi doon, wala kang iisiping may gagawa sayo ng hindi maganda. Ang mga naglileak na photo mula dito ay nasasala agad bago pa mapakalat sa soc med. Ilang beses niyang binalak makipagkilala sa may ari nito subalit hinding hindi daw napunta ang may ari sa lugar na yun. Malayo ito sa Mi Unica Hija. Ang katapat nito ay Hotel, may mga restaurant at resto bar din sa paligid nito. Ngunit bukod tanging mga high profile ang nakakapasok dito. Hihingi lang sila ng I.D at ichicheck. Para maiwasang makapasok ang mga clone o nanggagaya lamang at namemeke ng katauhan ng iba. Ang haba na ng pila ng sasakyan. Parang hindi pa ata nagpapapasok. Nagcheck siya ng oras, magsiseven pa lang pala. Hindi siya badtrip, at hindi siya magagalit ngayon. Dahil

