"Anak, wag ka munang mag isip ng kung anu ano," nginitian siya nito. "Bakit parang... parang ang init ng aking likod? gaano na ako katagal dito?" inililibot niya ang mukha sa buong paligid "sino sila?" "Yan ang tatay at kapatid mong si Vahn," "Tatay ko siya?" "Oo" "Ang bata naman niya para maging tatay ko. At ang kapatid ko, mukha ng matanda." "Anak, Marie, yung matanda ang tatay mo.." "Kuya ko siya?" itinuro niya si Vahn. "Ate ka niya. Panganay ka." "Isa lang ang kapatid ko?" "Tatlo sila. Si Marlon, may trabaho na. Si Vohn, kakambal ni Vahn, naiwan siya para mag asikaso sa bahay" "Ako? may trabaho din?" "Meron anak. Pero saka ka na mag isip ng ganyan kapag magaling ka na." "Masakit ang likod ko" "Vahn, tawagin mo si Doc Armand." "Opo nay" Nagmamadaling umalis si Vahn. Pagb

