POV: Bernard Tinitingnan lang niya kung paano makipag usap si Marie sa mga kaharap. Masaya ito tulad nong dati. Hindi tulad pag siya ang kausap. Naiinggit siya. Sana siya ang kausap at kabiruan ng dalaga. 'Marie, kelan mo ako babalikan? miss na miss na kita' Ayaw naman niyang lapitan ang babae at baka magalit mapagkamalan pa siyang nanggugulo. Napansin na niya kanina na tipsy ito sa Mi Unica Hija. Marahil nakarami ito ng wine. Masayang nagtatawanan ang mga nasa loob ng VIP, habang siya ay nilalagpasan ng tingin ng babae. 'Ganoon na ba ako kainvisible sa kanya?' Inalis muna niya ang tingin sa babae. Kailangang makapag isip siya kung paano lalapit dito ng hindi ito magagalit. "Yun ba ang may ari?" tanong niya sa bartender. "Hindi ko po alam, hindi ko pa po kilala ang may ari nito

