"Bakit kasama siya ng mommy mo sa abroad?" frustrated na ang pakiramdam niya. "Hindi ko nga babae si Dulce ano ka ba?" natatawa siya nitong hinagod sa likod. "nagseselos ka lang naman pala. Sinaktan mo pa ako ng matagal. Grabe ka magtamang hinala ha?" "Anong tamang hinala ha? wag mo akong dinadaan sa ganyan" umiiyak pa niyang sabi sa lalaki "hindi mo siya babae, ano ka niya? lalaki?" "Wag kang mag isip ng masama okay?" naluluha na rin si Bernard. "akala ko pa naman kung ano yang naiisip mo tungkol sakin, yun naman pala hindi totoo." "Anong hindi totoo dun? eh nakita ko na nakacaption pa siya na ikaw ang one and only niya?" sagot niya dito. Kumuha ng tissue si Bernard at iniabot sa kanya, saka siya inakay sa sofa para maupo. "Kaya pala sabi ni Dulce sakin, hindi ka niya macontact. Bli

