TAHIMIK na pinagmamasdan ni Stanley ang mga bisita sa party na pinuntahan niya. Hindi sana siya dadalo rito ngunit kaibigan ng mommy niya ang celebrant at nangako siyang ipo-proxy niya ang mga ito dahil nasa cruise ang mga ito sa Carribean. He doesn't have a choice but to go. Ayaw niyang magtampo sa kanya ang mommy niya kaya pinaunlakan na niya kahit sobrang pagod siya sa trabaho buong maghapon. The drive here from the city was almost two hours. Nakakapagod kaya nang mabati na niya ang celebrant at naibigay ang regalo with matching picture taking pa as proof na pumunta nga siya ay nagpaalam na siya rito. But before she let him, ipinakilala siya sa anak nitong si Nathaniel Monticello na matagal na namalagi sa Amerika. Then a short business talk lang naman, wala siyang panahon para maki-chis

