MAINGAY ang buong kusina nang araw na iyon. Puno ng masayang tawanan at kwentuhan. Birthday ni April ngayon kaya naman hindi siya pumasok ng opisina. Ipinangako kasi niyang ipaghahanda niya ito pagsumapit iyon. Wala namang ibang bisita maliban kila Grace at Brandon. Hindi na rin pumasok ang binata dahil tutulong na lang daw ito sa kanila sa pagluluto. Ano naman ang maitutulong nito eh hindi naman marunong magluto? Basta raw tutulong siya. Kaya naman para may pakinabang ito, ito ang inuutusan nila para bumili ng kung ano-ano kasama si Brandon, of course. Best buddy na ulit ang mga ito eh. "Sige na, Alexa! Isama mo na 'yun sa recipe mo?" ungot ni April sa kanya habang inihahanda niya ang mga gagamitin sa pagluluto ng kare-kare. "Ano ka ba, April? Ang sasarap ng mga iluluto sa'yo nila Alex

