"C'mon let's have a double date," yaya ng dalaga sa kanya habang abala siya sa pagbabasa ng mga papeles na nakatambak sa lamesa niya. Kaninang umaga pa nito inuungot sa kanya iyon. Magdouble date raw sila nila Brandon at Grace. Seriously naisip pa nito iyon kahit alam niyang may nararamdaman pa rin siyang selos sa pinsan. Malapit na ang uwian kaya pumasok na naman ito sa opisina niya para kumbinsihin siyang mag-double date silang apat. Pero siya hanggang ngayon ay wala pa ring sagot dito. How can he do that? Baka kumulo lang ang dugo niya rito masira pa ang date nila. "Just ask anything except for that one, baby." "It's what I want, baby. C'mon kung wala ka talagang hard feelings sa pinsan mo then you will come," pangungonsensiya nito sa kanya. "Pero kung ayaw mo talaga okay lang ako na

