Hindi ko alam kung gaano kami katagal naglalabanan ng titig ni Cadence. Gusto kong malaman ang tumatakbo sa isip niya ngayon pero hindi ko mabasa... mukhang hindi ko pa talaga ganoong kilala si Cadence. “A-ano'ng dapat kong gawin para hindi mo sabihin kay Zak?” nauutal na tanong ko. Mas lalong napangisi si Cadence sa sinabi ko. Bahagya siyang lumayo sa 'kin, doon lang ako nakahinga nang maluwag. Napakamot si Cad sa kilay niya saka umupo sa couch. “Iyon naman pala, e. Dapat kanina mo pa sinabi 'yan,” natatawang sabi ni Cadence saka ipinatong ang mga paa niya sa mini table. “What are you up to?” Castor asked. He took Cad's collar and made him stand up. Bahagyang namumula ang mukha niya at mukhang handa ng suntukin si Cadence. “Castor,” pagpigil ko sa kanya. Hinawakan ko ang braso niya u

