Palabas ang dalaga ng kuwarto nila nang makita si Santi na nakabusangot papunta sa kaniya. Kaagad na nag-abot ang kilay niya. Huminto ito sa harap niya. "Bakit?" tanong ng dalaga. "You have a visitor," ani nito sa malamig na boses at pumasok sa loob ng kuwarto nila. Ang lakas pa ng pagkakabagsak sa pinto. "Problema ng kolokoy na 'yon?" ani niya at bumaba para tingnan ang bisita kuno niya. Pababa pa lang siya ng hagdan nang makita ang guwapong binata. Ganoong aura ang type niya. May hawak itong boquet of roses. Kinilig ang tinggil niya nang malapitan ito. Pamilyar sa kaniya ang binata. "Hi," bati nito sa kaniya. Nahihiyang bumati naman pabalik ang dalaga. "H-hello," sagot niya at napangiti t'saka pasimpleng inayos ang buhok niya sa gilid ng tenga niya. "This is for you," wika

