2

1098 Words
“MAN w***e!” Natawa si Jeff Mitchel sa narinig niyang sinabi ni Cecilio kay Eduardo. Hindi kasi nakikinig si Cecilio sa mga sinasabi nila dahil abala ito sa sketchbook nito, kaya naman inagaw iyon ni Eduardo. If Cecilio was busy doing his thing, no one should disturb him. Hindi ito madaling mairita sa ibang bagay, ngunit ibang usapan kung nag-i-sketch ang pinsan. Nasa isang tree house sila malapit sa villa. Naroon sila upang mag-aral para sa exam nila kinabukasan. Napatingin sa kanya si Eduardo. “Freak. Nerd.” Binalingan niya si Cecilio. Nag-isip si Jeff Mitchel ng pang-asar sa pinsan, ngunit wala siyang maisip. “Wala lang. Ewan.” Napatingin si Cecilio kay Luisita na kasama rin nila. Biglang napangisi ang kanyang pinsan. Tila biglang nawala ang iritasyon nito at may kapilyuhang naisip. “Nagmamaganda, hindi naman maganda.” Dinampot ni Luisita ang notebook nito at akmang ihahampas sa mukha ni Cecilio. Ngunit naging maagap ang kanyang pinsan. Nasalag agad ni Cecilio ang notebook na tatama sana sa mukha nito. “Hah!” mayabang na sabi ni Cecilio at tila nang-iinis na nakangiti. “I saw that one coming. You didn’t get me—” Sa pagkakataong iyon ay nagtagumpay na si Luisita nang hampasin uli nito ng notebook si Cecilio. Akmang gaganti si Cecilio ngunit maagap itong napigilan ni Eduardo. “Babae `yan, Ces,” paalala pa ni Eduardo. “Hindi `yan babae, Dudes. Nagpapanggap lang `yan. Hubaran mo, may makikita kang nakalawit.” Natatawang pinukpok ni Jeff Mitchel ng libro ang ulo ng pinsan. Nakikita niyang namumula na si Luisita. Sa sobrang inis ay napaiyak bigla ang dalaga. “You’re unstable, Ces,” aniya. Sa wakas ay nakahanap na rin siya ng pang-asar sa pinsan. “Tama na kasi,” naiinis na sabi ni Luisita. “Wala naman tayong natatapos, eh. Kailangan na ako sa bahay namin.” “Oo nga,” segunda niya. “Ako, kahit na hindi mag-review, okay lang. Kayo lang naman ang inaalala ko.” “Ang yabang talaga nito,” napapailing na sabi ni Eduardo. “Totoo naman,” pagtatanggol ni Luisita sa kanya. Hindi maiwasan ni Jeff Mitchel ang mapangiti nang matamis. “Kahit naman hindi mag-aral si Mitch makaka-perfect score pa rin siya. Mas matalino siya sa teacher natin, eh. Ang bait nga niya kasi tutulungan niya tayo sa pag-aaral. Sige na, mag-aral na tayo para makauwi na ako. May isa kasi riyan na hindi nakikinig, kung ano-ano ang ginagawa.” “`Eto na, `eto na,” ani Cecilio habang binubuklat ang libro. Ilang sandali pa ay naging abala na sila sa pag-aaral. Pasimpleng napapatingin si Jeff Mitchel kay Luisita. Nakilala nila ang dalaga sa unang araw ng klase nila sa bago nilang eskuwelahan. Aksidenteng nasagasaan ni Luisita ng bisikleta nito si Cecilio. Nalugmok ang kanyang pinsan sa putikan at kinailangan nitong pumasok sa eskuwelahan na maputik ang puting polo at itim na pantalon. Inis na inis noon si Cecilio. Si Luisita naman ay hindi matapos-tapos ang paghingi ng paumanhin. Nalaman nilang tauhan ng hacienda ang pamilya ng dalaga at kaagad nitong nalaman na mga apo sila ni Doña Venancia Castañeda. Kaklase nila ang babae. Araw-araw na lang ay iniinis ito ni Cecilio. Dahil doon, naging malapit na rin sila kay Luisita. Naging kaibigan na nila ang babae. Noong una ay hindi siya interesado kay Luisita. Hindi naman kasi talaga ito interesting. Tahimik lang ito sa isang sulok maliban na lamang kung lalapitan ito ni Cecilio upang asarin. Ngunit habang lumilipas ang mga araw ay lalo itong gumaganda sa kanyang paningin. Unti-unti siyang naging interesado sa dalaga. Dahil dito ay naging excited siya sa pagpasok sa eskuwelahan araw-araw. Sabik siyang makita ito araw-araw. Dinagdagan ni Luisita ang kulay ng paligid. He loved being with her. They were so compatible with each other. She was smart, too. He could talk to her endlessly and never grow tired. He was convinced he had found the right woman for him. He was in love with her. Sana lang ay maipon na ni Jeff Mitchel ang lahat ng lakas ng loob na kanyang kailangan upang masabi na niya ang lahat kay Luisita. “Saan mo balak mag-aral ng college?” tanong niya kay Luisita nang matapos silang apat sa pag-aaral. Inaayos na lamang nila ang mga gamit nila. Hindi inakala ni Jeff Mitchel na magiging mabilis ang paglipas ng mga araw sa probinsiya. Ilang buwan na lang at graduation na. Pabalik-balik na nga sila sa Maynila para sa college applications nila. Parang kailan lang ay tila hindi niya gustong manatili nang matagal doon. Naging masaya siya sa lugar na iyon, bukod sa nahanap niya ang tamang babae para sa kanya, naging mas malapit sila ng kanyang ama sa isa’t isa. Tila ayaw na nga niyang iwan ang lugar na iyon. Ayaw na niyang iwan si Lola Ancia. Nasanay na siyang kasa-kasama ang matanda. Nagkibit-balikat si Luisita. “Hindi ko pa alam, eh. Baka dito na lang sa probinsiya. Hindi naman ako kayang pag-aralin ng mga magulang ko sa Maynila.” “Kayo talagang mahihirap,” hirit ni Cecilio. Sinipa ito ni Luisita. Tiningnan nang masama ni Jeff Mitchel ang kanyang pinsan. “Ano ngayon kung mahirap kami? Kasalanan ko ba’ng ipanganak na mahirap?” naiiritang tanong ni Luisita kay Cecilio. “Wala ngang masama sa pagiging mahirap. Ang masama, ginugusto mong hanggang diyan ka lang. May paraan naman kung gugustuhin mo talagang mag-aral sa Maynila. May scholarship naman na ino-offer ang lahat ng universities at colleges. Masipag naman ang tatay mo. Kaya na niyang sustentuhan ang board and lodging mo. Ikaw, minsan, hindi ka nag-iisip.” Nakakairita si Cecilio ngunit may nasasabi rin naman itong tama paminsan-minsan. Nais ni Jeff Mitchel na sa Maynila rin mag-aral si Luisita para nakikita pa rin niya ang dalaga. Ayaw niyang mapalayo rito. “Tutulungan kitang makakuha ng scholarship,” alok niya. “Sabihin mo sa tatay mo na sa Maynila ka na mag-aral.” “Oo nga,” pagsang-ayon ni Eduardo. “Para sama-sama pa rin tayong apat kahit na nasa Maynila na tayo. Kakausapin namin si Lola Ancia para tulungan ka rin.” “Magsama kayong tatlo. Ako, sa ibang bansa mag-aaral,” ani Cecilio. Napatingin dito si Luisita. Napansin niyang bahagyang namula ang mga mata ng dalaga. “Kahit pa sa outer space ka mag-aral, wala akong pakialam sa `yo!” May tumubong hinala sa puso ni Jeff Mitchel ngunit kaagad niya iyong pinatay. Ayaw niyang mag-isip ng negatibo. Ayaw niyang panghinaan ng loob. Kung magkakagusto sa isa sa kanila si Luisita, kailangang siya iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD