LUMIHIS ng daan si Hannah at hinayaan na lamang niya sina Cecilio at Luisita sa pag-aasaran ng mga ito. Iyon marahil ang paraan ng lambingan ng dalawa. Naglalakad ang magkasintahan sa kanyang unahan at tila nakalimutan na ang kanyang presensiya. Mas pinili niyang humiwalay na lamang upang mas magkaroon ng privacy ang dalawa. Namamasyal sila nang hapong iyon sa bukirin. Gustong-gusto niya roon. Walang hanggang palayan ang kanyang natatanaw. Tila napakalawak ng mundo. Tila napakataas ng langit. She loved the feel of fresh air against her skin. Napakaganda rin ng view ng mga bundok. Ayaw niyang masyadong obligahin ang magkasintahan sa pag-aasikaso sa kanya. Kaya naman niya ang kanyang sarili. Hindi marahil siya maliligaw roon. Madali naman siguro siyang makakahanap ng tao na maghahatid sa k

