Bigo akong makakuha ng impormasyon kay Doctora Suarez. I wasn't convinced by what she said, I felt her dishonesty. She couldn't even stand to look me in the eyes. Hindi ko na hinintay pa na kaladkarin ako ng guard palabas ng kanyang clinic. Nagkusa na akong umalis sa opisina nya but I stayed inside the car. Hindi ko alam kung bakit ayaw gumalaw ng mga paa at kamay ko upang paandarin ang sasakyan paalis ng lugar na ito. Nanatili akong nakatitig sa clinic ni Dr. Suarez sa harapan ng kotse na tila ba may hinihintay ang mga mata ko lalong-lalo na ang puso kong makita ang ninanais at kinasasabikan ko. Hindi ko na mabilang kung ilang oras, segundo o minuto ang lumipas nanatili pa rin akong nakaupo sa loob ng sasakyan habang pinagmamasdan ang mga taong palabas at papasok ng clinic. Ni ‘di ko ma

