Nag-angat ito ng tingin sa akin, his eyes were now red. The pain was very visible. Pinunasan nya ang luha sa kanyang pisngi gamit ang likod ng kanyang palad. "Wag naman ganito Dannielle, please..." Humakbang sya palapit. Inabot nito ang kamay ko, nararamdaman ko na ang pangingilid ng mga luha ko ngunit nagmatigas ako at mariin ko syang tiningnan sa mga mata. Dinala niya ang kamay ko sa kanyang mga labi. "Wag naman ganito please. Maghihintay ako pangako, kahit ilang oras, araw, buwan o taon. Lima, sampu, isang daan! s**t!" May inis na pinahid muli nito ang luha. "Kahit ilang taon pa yan, Dannielle. Sabihin mo lang, hindi ako mapapagod na hintayin ka at mahalin ka hanggang maging handa ka ng tanggapin akong muli. " Pahablot kong binawi ang kamay mula sa hawak nya. "Tama na Adrianne..." umi

