CONAN'S POV Nag-angat ako ng tingin nang bumukas ang pinto ng opisina ko rito sa Silvestre's Building kung saan ako naroroon at nagkakampo. Alam kong hindi iyon ang sekretarya ko dahil hindi ito kumatok. Sinabihan ko kasi ang aking sekretarya na kakatok muna bago pumasok kung may kailangan man ito sa akin. Sumalubong sa paningin ko ang poker face na mukha ng pinsan-s***h-kaibigan kong si Kaiser Hidalgo. The best and ruthless lawyer in Asia at nakikilala na rin ito sa buong mundo. Ito ang nagmamay-ari ng kilalang Hidalgo Law Firm sa bansa. “Anong masamang hangin ang nagdala sa'yo rito?” Kunot-noong tanong ko nang makaupo siya sa visitor's chair kaharap ng pwesto ko. Hindi siya sumagot, sa halip ay tumingin lang sa may pinto. Lalong kumunot ang noo ko at sa kyuryusidad ay tumingin din

