CALI’S POV I stared at my reflection through the mirror. Nakasuot ako ng itim na wig na hanggang balikat lang ang haba. May bangs din iyon katulad ng palagi kong ginagamit sa tuwing may misyon kami at kapag ang trabaho ko ay isang sniper. I also wore a pair of black contact lenses for my eyes and thick eyelashes, smokey eyeshadow, bloody red lipstick and a light blush on. Isang black, sleeveless, turtle neck long gown with high slit sa left part ang suot ko. May silver belt din iyon na mas lalong nagpahubog sa katawan ko. Pinaresan ko lang iyon ng isang silver pumps. Mayroong naka-strap na M1911 sa right thigh ko at apat na push daggers. Nakasalpak na sa kaliwang tainga ko ang isang earpiece at ang mini microphone naman ay nasa neck part ng suot kong gown. I have my phone inside my bras

