"Medyo ayos naman kami ni Sugar ngayon. Thankful ako na medyo parang casual kami. Hindi na niya ako iniiwasan at higit sa lahat ay nagkaroon kami ng closure sa nangyari noon. Alam ko galit pa rin siya sa akin pero hindi na yung kagaya nung dati. Sa ngayon ini-enjoy ko yung inis niya, kakaiba eh, nakakatuwa. Siguro dahil sa pagbubuntis niya." Aniya kay Luigi na kasama niya ngayon na nagbabantay sa mga bata. Habang si Candy at Sugar ay nasa itaas. "In time Dude, I know magkakaayos rin kayo ni Sugar. Lalo na ngayon na magkakaanak kayo ulit. Alam mo ang mga bata, malaki rin talaga ang parte nila lalo na sa isang pamilya. Nagiging pundasyon din ng pagkakaayos ng dalawang magkarelasyon na may pinagdadaanan. Noon, yung pagbubuntis ni Candy ang isa ko pang dahilan kaya sinabi ko sa sarili ko na h

