"Bro, relax." Saway ni Luigi kay Alex dahil hindi ito mapakali. Kanina pa s'ya palakad-lakad. Halos na-check na niya ang buong venue na paggaganapan ng ceremony upang makasiguro na magiging maayos ang lahat. Pero ginagawa niya rin iyon upang alisin sa kaniyang isipan ang kaba na kanyang nararamdaman. "Sorry na. Hindi mawala sa sarili ko na kabahan." Sagot niya sa kaibigan. Napaaga sila rito at nasa hotel room pa sila Sugar. Kanina ay nag-text siya rito pero hindi ito nagreply sa kaniya. Ni isa sa mga mensahe niya ay walang reply mula rito. Pati tawag ay wala siyang natanggap kay Sugar. Nag-aalala siya rito dahil masama ang pakiramdam nito kaninang umaga. Nagsusuka ito at nahihilo. Hindi naman niya ito masamahan ngayon dahil tinaboy siya nito para makapag-ready na ito sa kasal. Isa pa

