Sunod-sunod na pinindot ni Sugar ang doorbell ng hotel room ni Alex. Bakas sa mukha niya ang galit at inis rito. Hindi nagtagal ay bumukas iyon at nakita niya si Alex. "Sugar." Banggit niya sa pangalan ni Sugar ng hindi niya inaasahan na narito ito ngayon sa harapan niya. "Give me your account number." Wika ni Sugar kay Alex kaya napakunot ang noo nito. "What?" "Give me your account number para ma-bank transfer ko ang binayad mo." Inis niya pang sabi habang masama ang tingin kay Alex. Tipid na ngumiti naman si Alex at mas niluwagan ang pinto ng kaniyang hotel room. "Why don't you come in? Sa loob na lang tayo mag-usap. Hindi ko rin saulo account number ko. Hahanapin ko pa sa wallet ko." "Then give me your phone number! I can bank transfer using your number. Huwag mong sabih

