Queen's POV
Habang nasa byahe kami patungo sa bahay ng parents ko ay busy pa din kami sa kakabasa ng comments sa post ni Net.
"Anong nangyayari bakit parang ang busy niyo?" Tanong ni Tim sa akin.
"Wala ka bang phone?" Sarkastikong sagot ko kay Tim.
"Lowbatt ang phone ko at nakay Net ang charger ko kaya natulog lang ako sa flight. Ano bang nangyayari?" Takang sabi niya. Iniabot ko naman sa kanya ang phone ko at ipinabasa ang post ni Net.
"Tim, babe. Thank you for everything. Thank you loving and accepting me for who I am. Thank you for always being by my side no matter what. I'm so sorry kung minsan na-di-disappoint kita. Pero gusto ko lang malaman mo na mahal na mahal kita."
"Pinayagan mo na siya?" Tanong ni Tim.
"Yup. Grabe na yung iyak ni Net kanina kung nakita mo lang! At nakikipag hiwalay ka pa pala?!" Seryosong sabi ko.
"Sukdulan yung selos ko, baka lang di mo alam." Sabi ni Tim.
"Alam ko. Ang OA mo alam mo ba yun?!" Sabi ko.
"Oo na!" Sabi niya.
Nang makarating kami sa bahay ay nag hihintay sina mom at dad sa living room na agad ko namang pinuntahan.
"Net, sabihin mo kay Tim mag usap tayong tatlo mamaya pag tapos ko na kausapin sina mom at dad okay?" Chat ko kay Net.
"Mom, dad. Namiss ko po kayo." Ngiting sabi ko na niyakap at hinalikan ang parents ko.
"We miss you too anak. Sabi ni dad.
"So ano na Queen?! Ano yung exclusive interview mo na iyon?!" Nag tataray na tanong ni mommy.
"Mom, kasi po." Sabi ko.
"Kasi ano?! Lalo mo lang pinalala yung issue about sa inyo ni Matthew alam mo ba yun?!" Galit na sabi ni mom.
"Sorry kung ganun man ang nangyari mom. I'm really sorry kung nag sabi ako ng totoo." Seryosong sabi ko.
"So totoo na nag break kayo 3 years ago?" Tanong ni mommy.
"Yes po mom." Sabi ko.
"Anong dahilan ng break up niyo noon?" Tanong ni mom.
"Pwede bang wag ko na lang pong sabihin?" Seryosong sabi ko.
"No! Sabihin mo! Tapos naman na yun hindi ba?!" Galit na sabi ni mom.
"Nahuli ko po siya na may kasiping na ibang babae sa kama." Sabi ko na ikinagulat ni mom at ni dad.
"WTF! Totoo ba yan?!" Galit na sabi ni mom.
"Bakit hindi mo sinabi sa amin ng mommy mo anak?" Tanong naman ni dad.
"Mom! Nahuli ko mismo siya sa condo niya noon." Sabi ko kay mom.
"Dad. Ayoko na pag fiestahan kami ng media dahil sa katarantaduhan niya. Isa pa alam ko na magiging mitya ng katapusan niya ng career niya iyon kaya sinarili ko na lang." Sabi ko kay dad.
"What about Allen? Matagal mo nang mahal pero si Matt ang ka relasyon mo?! Please enlighten me Queen." Sabi ni mom.
"Yes, mom. Nagkabalikan kami ni Matt kaya naudlot yung sa amin noon ni Allen. Ginagawa ko ang lahat mom para maibalik yung tiwala lalo na yung pagmamahal ko kay Matt. Kaso si Allen na talaga ang sinisigaw ng puso ko. Sinabi ko kay Matt lahat. Wala akong itinago sa kanya. Pero ayaw niya akong pakawalan." Mahabang paliwanag ko.
"Bakit hindi mo kasi sinabi sa amin ng dad mo?" Sabi ni mom.
"Mom, natakot kasi ako. You know ayoko naman na masira ang career ni Matt. At isa pa immature pa ako ng mga panahon na iyon." Sabi ko.
"So ngayon anong plano mo? Sobrang laki na ng issue niyo ngayon." Sabi ni mom.
"Ako na po ang bahala mom. Makikipag usap na po ako kay Matt mamayang lunch." Sabi ko.
"Just tell us Queen kung anong maitutulong namin ng mommy mo." Sabi ni dad.
"Yes, dad. Thank you." Sabi ko kay dad at yinakap siya.
"Same reason ba ang dahilan ng break up niyo?" Seryosong tanong ni mom.
"Yes, mom." Maikling sagot ko.
"OMG!" Sabi ni mom!
"That idiot!" Galit na sabi ni dad.
"Mom, dad. Wag na kayong magalit and please hayaan niyo na lang ako na masolve itong issue na to. Please?" Pakiusap ko.
"Fine! Ayusin mo na ito ASAP! Gigil na sabi ni mom.
"Magpahinga ka na muna anak. Mag usap na lang tayo ulit mamaya." Sabi ni dad.
"Okay dad. See you later." Sabi ko na nag kiss kay dad.
"Dito ka lang mag stay! Wag kang uuwi sa bahay mo." Sabi ni mom.
"Yes, mom." Sabi ko ni niyakap siya.
"Ikaw talaga! Naku! Yung kuya mo nga pala tawagan mo daw siya." Sabi ni mom.
"Okay mom. Tatawagan ko si kuya mamaya." Sabi ko na lang.
"Asan ang mga kaibigan mo at si Allen? Kasama mo ba sila rito?" Tanong ni dad.
"Yes, dad. Nasa guest room na po sila." Sagot ko.
"Sige na, mag freshen up ka na muna at sabay-sabay tayong mag breakfast maya-maya." Sabi ni dad.
Nang maka punta ako sa aking kuwarto ay tinawagan ko na agad si kuya King.
Kapatid ko siya sa tunay kong ama. Si kuya King ang anak ni papa sa una niyang asawa na namatay matapos manganak.
"Hello, kuya. Pinapatawag mo daw ako?" Sabi ko.
"Yeah. Kailan ka uuwi dito sa pinas?" Tanong ni kuya.
"Nextweek siguro kuya. Marami pa kasi akong kailangan na gawin dito sa Taiwan." Sabi ko.
"Okay, tawagan mo ako ulit kung anong exact date ng uwi mo okay?" Sabi ni kuya.
"Okay kuya, bakit? Miss na miss mo na ako noh?" Natatawang sabi ko.
"Syempre, baby sister kaya kita." Sabi ni kuya.
"Hindi na ako baby." Sabi ko na tumingin kay Allen na kakalabas lang ng restroom sa kuwarto ko.
"Whatever, baby ka pa din para sa akin." Sabi ni kuya.
"By the way, sabi ni mommy bago na daw ang boyfriend mo and napanuod ko yung exclusive interview mo." Sabi ni kuya.
"Nag chismisan na naman kayo ni mom." Sabi ko.
"I just want you to know that I'm happy na hiwalay na kayo ni Matt." Sabi ni kuya.
"Kuya..." Sabi ko.
"Pag naaalala ko ang ginawa niya noon sayo gusto ko ulit siyang bugbugin alam mo ba yun?!" Galit na sabi ni kuya.
"Kuya okay na. Tapos na yun. Ang importante naman ngayon eh hindi na kami diba?!" Sabi ko na lang.
"Okay. Sige na mag aasikaso pa ako may meeting ako ng maaaga. See you tomorrow." Sabi ni kuya.
"Tomorrow?" Takang tanong ko.
"Tomorrow is your birthday party right?" Sabi ni kuya.
"Yes, kuya. Pupunta ka?" Ngiting sabi ko.
"Yeah. Ininsist ni mom." Sabi ni kuya.
"Yey. Sige kuya. See you tomorrow. Love you." Sabi ko bago ibaba ang tawag niya.
Kunot noo naman si Allen na nilapitan ko at niyakap.
"Sino yung kausap mo?" Tanong niya.
"Kuya ko." Sagot ko.
"Kuya???" Takang tanong niya.
"Well hindi mo nga pala alam. Kapatid ko siya sa tunay kong papa." Sabi ko.
"What? Lalo akong naguluhan." Sabi ni Allen.
"Ipapakilala ko siya sa iyo bukas. Anyways alam mo naman na inamapon lang ako ni dad diba?" Sabi ko.
"Adopted ka?" Takang tanong na naman ni Allen.
"Yeah. My real dad died in an accident when I'm just 8." Sabi ko.
"Nang mamatay si papa kinuha ni lolo si kuya, ayaw kasi ni mom na mag stay din kami kay lolo. Kasi nga ayaw ni lolo kay mom. So ayun nag work ulit si mom sa bank. Mayaman din ang pamilya ng papa ko pero ayaw ni mom na tumangap Nang kahit na ano na galing sa pamilya ni papa lalo na kay lolo." Pag kukwento ko.
"Bakit ayaw ng mom mo?" Tanong ni Allen.
"Well maraming masasakit na salita ang natangap ni mom kay lolo noon. Na pera lang naman daw ni papa ang habol ni mom na kaya lang naman pinakasalan ni mom ang papa ko kasi mapera. Na pinikot lang naman daw ni mom si papa. At marami pang iba." Sabi ko.
"Woah! Ang sakit nun ah." Sabi ni Allen.
"Super. Kung nakita at narinig mo lang ang iyak ni mom noon gabi gabi." Sabi ko.
"Then, nakilala niyo na ang dad mo?" Sabi ni Allen.
"Well nakilala namin si dad ng mag punta kami ni mom sa Hongkong Disneyland. Graduation gift sa akin yun ni mom ng mag graduate ako as a valedictorian noong elementary ako." Sabi ko.
Narinig ako ni dad na kumakanta and then ayun kinausap niya kami ni mom. Nagulat pa si dad na masyado daw akong fluent mag salita ng language nila. Tapos ayun nag offer si dad na gawin akong sikat na singer dito sa Taiwan. Hindi ko pa alam noon na siya ang may ari ng pinaka malaking talent agency dito." Pag papatuloy ko.
"And then?" Sabi ni Allen.
"Ayun ayaw ni mom. Baka ano na naman daw ang sabihin ni lolo. Pero ako gusto ko. Gusto ko na may magawa para umangat din kami ni mom. Gusto ko na magkaroon din ng maraming pera noon para hindi na maliitin ni lolo si mom." Sabi ko.
"Kinausap ko si lolo. Ayaw niya man wala din naman siyang nagawa pumayag na rin siya. Nag resign si mom sa pinag ta-trabahuhan niyang bangko at lumipad na kami patungo kay dad." Sabi ko pa.
"Naging recording artist ako dito sa Taiwan noon 13 pa lang ako noon hanggang sa pinag audition ako ni dad pasa sa isang teenage series. Ayun nakapasa ako sa lead role. At the age of 16 dun na nag umpisa ang career ko as an actress hanggang sa nag tuloy-tuloy na. Hanggang sa nalaman ko na may relasyon na si mom at dad matapos ipalabas ang unang serye ko noon. Then after a year nagpakasal na sila at dito na kami tumira ni mom sa bahay ni dad. Nung mag 18 naman ako legally adopted na ako ni dad kaya yung last name ko eh tuluyan nang naging Chu." Pag kukwento ko pa.
"So singer ka pala talaga noon?" Sabi ni Allen.
"Yup. Huminto lang ako dahil nabusy ako sa pag gawa ng mga serye tapos nag aaral pa din ako." Sabi ko.
"Oh I see." Sabi ni Allen.
"Mas gusto ko din na magsulat ng kanta kaya ayun. Lahat ng kanta na na record ni Matt eh gawa ko." Sabi ko.
"Oh. Okay." Sabi ni Allen.
"Pero ngayon pinag re record na naman ako ni dad." Ngiting sabi ko.
"I think it's much better na ikaw mismo ang kakanta ng mga kinu-compose mo." Sabi ni Allen na niyakap ako.
"Tara punta tayo sa music room ko. May ipaparinig ako sayo." Sabi ko na hinatak si Allen palabas ng aking kuwarto.
Nang makapasok kami sa aking music room ay umupo ako sa harap ng aking piano at tumugtog.
?It must be nothing, the way you look
at me is it a common thing cause
you’re a friend of mine
There must be nothing
In the way you talk to me, no need to worry or read between the lines but what you mean when you’ve done this things to me I'm not sure but this one thing in mind. Ohhh
Are we just friends
or are we more?
Cause you gave me butterflies
in my core make your act's so meaningful ohhh please if you don’t mean it, don’t act that way this way fool it's not just what a friend or do say if you just mean it in that way.
Ohhh.
Should I stay back
or take a step to be closer to your side?
Do I smile when I see you?
I want to say hi but can’t get through the path that you ride or lose you in the way but what you mean when you’ve done this things to me I'm not sure but this one thing in mind. Ohhh
Are we just friends
or are we more?
Cause you give me butterflies
in my core make your act's so meaningful ohhh please if you don’t mean it, don’t act that way this way fool it's not just what a friend or do say if you just mean it in that way.?
Gulat na nakatingin si Allen sa akin.
"Nagustuhan mo ba?" Tanong ko na tumango lang siya.
"3 years ago na nung nasulat ko to. Akala ko di na ako mag kaka chance na maiparinig to sayo." Ngiting sabi ko.
"Ginawa mo yung kanta para sa akin?" Tanong niya.
"Yup. Actually marami pang iba." Sabi ko at bigla niya akong niyakap.
"I love you Queen." Sabi niya.
"I love you too Allen." Sabi ko.
Ilang saglit lang ay pumasok si mom sa music room ko.
"Okay you two, kakain na." Sabi ni mom.
"Okay mom." Sabi ko.
"Good morning ti-- Mom." Sabi ni Allen.
"Good morning anak." Ngiting sabi ni mom na niyakap si Allen.
"Masanay ka na dapat na mom ang tawag mo sa akin." Natatawang sabi ni mom.
"Yes mom." Sabi naman ni Allen.
"At ikaw naman ang aga mong kumanta! Mapaos ka na naman." Sermon na naman ni mom.
"Gosh mom! Isa lang naman." Nagmamaktol na sabi ko.
Nag lakad na kami patungo sa dining room ng mansion ng parents ko.
"By the way anak, nakausap ko ang kuya mo mamayang gabi ang dating niya. Dito na kayo mag dinner para sabay-sabay na tayo. After ng fan meeting mo umuwi ka na agad okay?" Sabi ni mom.
"Mom, basta po dinner andito na kami. May pupuntahan kami nina Allen para sa content nila." Sabi ko.
"Okay. Just make sure na makaka uwi ka ng dinner." Sabi ni mom.
"Yes, mom." Sabi ko.
Nang makarating kami sa dinning room ay naroon na sina Tim at Net pati na rin si Darren.
"Let's eat." Sabi ni dad.
Kumakain kami nang may sinabi si dad.
"Queen, after breakfast mag ready ka na." Sabi ni dad.
"Why dad?" Tanong ko.
"ihahatid kita kung saan kayo mag uusap ni Matt. Sabi ni dad.
"Okay, dad." Ngiting sabi ko.
"Sina Darren sa van na lang sila. Ipapahatid ko na lang sila sa driver sa location kung saan ang fan meeting mo okay?" Sabi ni dad na tinanguan namin.
"What about Allen dad?" Sabi ko.
"Hihintayin ka na niya." Sabi ni dad.
"Okay dad. Thanks." Ngiting sabi ko.
"Make sure na makaka uwi kayo ng dinner okay?" Sabi ni dad.
"Okay dad. No worries." Sabi ko.
"By the way anak, sa Wednesday ka na lumipad pa japan." Sabi ni dad.
"Why dad?" Tanong ko.
"Ipinahahanda ko na ang lahat ng kailangan para sa recording mo."
"Okay dad." Sabi ko na lang. Wala na rin naman akong magagawa pag si dad na ang nag deside.
"Dad, mom, guys mag aayos lang muna ako. Tapos na ko kumain." Paalam ko sa kanila.
Nang makarating ako sa aking kuwarto ay agad na akong naligo at nag bihis.
Nag fitted dress lang ako at light lang ang make up ko. Inilugay ko lang din ang mahabang buhok ko.
"Allen ready ka na?" Tanong ko kay Allen na naka upo sa side ng aking kama.
"Yeah." Maikling tugon niya.
"Let's go?" Sabi ko.
Hinila niya ako at pinaupo sa hita niya.
"Let's get married, Queen." Seryosong sabi ni Allen.
"Seryoso ka ba?" Gulat na tanong ko.
"Yes!" Agad na sagot niya.
"OMG!" Sabi ko.
"Ayoko na mawala ka pa sakin." Sabi niya.
"Baka nabibigla ka lang." Sabi niya.
"Nope! Siguradong sigurado akong mahal na mahal kita." Sabi niya na hinalikan ako.
"Can we talk about this later?" Sabi ko.
"Yeah, of course." Sabi niya na hinalikan ako sa labi.
"Allen, tara na. Nag hihintay na yun si dad." Sabi ko.
Nang makababa na kami ay naghihintay na sina mom at dad sa baba. Agad na din kaming sumakay ng sasakyan matapos naming magpaalam sa mga kaibigan namin.
"Okay na kaya si Tim at Net? Hindi pa nag kukwento si Tim sa akin." Bulong ko kay Allen.
"Siguro naman. Tanungin na lang natin mamaya." Sabi ni Allen.
"Allen, anak sumama ka na muna sa amin ng dad niyo pag hatid natin kay Queen." Sabi ni mom.
"Oo nga naman walking distance na lang naman ang agency galing sa restaurant na pag kikitaan ni Queen at Matt.
"Okay po mom, dad." Agad na sagot ni Allen.
Nasa byahe kami ay nag chat na ako kay Matt.
"Matt, OTW na ko. Don't be late may show pa ako after lunch." Chat ko kay Matt.
"Okay, I'm on my way too. See you." Reply ni Matt.
"Mom, dad pwede po ba na ipakuha niyo yung isang kotse ko sa bahay ko? Ako na lang po ang mag da-drive papunta sa location ng FM ko mamaya." Sabi ko kina mom at dad.
"Okay, dear." Sabi ni dad.
"Thanks dad. You're the best." Ngiting sabi ko.
"Okay, we're here. Update mo kami ng mom mo kung anong mangyayari okay?!" Bilin ni dad.
"Okay, dad." Sabi ko.
"Allen, mag cha-chat ako pag tapos na kaming mag usap. Update mo ako kung anong gagawin sayo nina mom at dad okay?" Natatawang sabi ko kay Allen.
"No worries baby. Update mo din ako. Love you. See you later. Sabi ni Allen na hinalikan ako.
"See you later. Love you too. Bye mom, bye dad. See you later. Love you." Sabi ko sa kanila bago bumaba ng sasakyan.
"Yung dinner mamaya okay. Darating ang kuya mo." Paalala ni mom.
"Yes, mom!" Sabi ko bago isara ang pintuan ng kotse ni dad.
Nang maka alis sila ay nag lakad na ako papasok sa restaurant.
"Hinatid ka pa talaga niya noh?" Bungad ni Matt
"Yeah, kasama siya nina mom at dad actually." Sabi ko.
"Namiss kita, love." Sabi ni Matt na niyakap ako.
"Eheemmm. Matt, ano ba. Pwede bang tigilan mo na ang pag tawag sa akin niyan." Inis na sabi ko.
"Ops! Sorry. Namiss lang talaga kita." Sabi ni Matt na inalalayan akong umupo.
"Whatever. So kailan mo titigilan ang po-post mo sa social media na naka tag ako?" Inis na sabi ko.
"Woah! Easy, Queen." Sabi niya.
"Hindi ako nakikipag biruan sayo Matt! Nakaka irita na!" Galit na sabi ko.
"So kaya ba nagpa exclusive interview ka sa kaibigan mong si Darren?!" Inis na sabi ni Matt.
"Yeah! Totoo naman ang lahat ng sinabi ko hindi ba?!" Sabi ko.
"Alam mo din na ginawa ko ang lahat para mahalin ka ulit. Pero pa ulit ulit mo akong binigyan ng dahilan para di na maibalik yun." Sabi ko.
"I know marami akong nagawang mali." Sabi niya.
"At paulit-ulit kitang pinatawad." Sabi ko.
"Hindi ko kayang wala ka, Queen." Sabi niya.
"Kaya mo! Paulit ulit ka ngang nambabae. Gosh! Matt! Pwede ba!" Gigil na sabi ko.
"Ayusin pa natin to Queen." Naluluhang sabi ni Matt.
"Oh. My. Gosh! Matt! Seriously? Nagpapatawa ka ba?!" Gulat na sabi ko.
"Queen, mahal na mahal kita. Please." Sabi ni Matt.
"Matt, please stop! Hindi na kita mahal at hindi ko na kayang mahalin ka ulit. I'm sorry." Sabi ko.
"Kung talagang mahal mo ako hahayaan mo ako kung saan ako sasaya. Palalayain mo ako. Palayain mo na ako please." Sabi ko pa.
"Hahayaan mo naman akong maging kaibigan mo pa rin diba?!" Sabi niya.
"Oo naman! Ikaw ang kauna-unahang naging kaibigan ko dito diba." Naluluhang sabi ko.
"Hayaan mo pa din sana akong mahalin ka kahit may mahal ka nang iba, Queen." Umiiyak na sabi niya.
"Matt. Mahahanap mo din ang babaeng para sayo." Sabi ko na lang na hinawakan ang kamay niya.
"Ikaw lang ang babaeng minahal at mamahalin ko ng ganito." Lumuluhang sabi niya.
"I'm so sorry kung naging mahina ako at napuno ng insecurities." Dagdag niya pa.
"I'm so sorry din sa lahat ng masasakit na nasabi ko noon Matt. Sorry sa lahat ng mga pagkukulang ko. Sorry kung nawalan ako ng time noon. I'm really sorry." Naluluhang sabi ko.
"Ako ang lahat ang may kasalanan noon Queen. Ako." Sabi ni Matt.
"Let's be friends again Matt?" Sabi ko.
"Yeah, friends." Sabi niya.
"Let's order?" Tanong ko.
Naiilang man ako ay kailangan na pakisamahan ko si Matt upang maging maayos ang lahat.
"By the way, Queen may i-co-cover pala ako na song. Balak ko na i-post mamaya. Huling kanta ko para sayo. Last na promise." Sabi ni Matt.
"Okay. Last na yan ah." Sabi ko.
"Yeah, thank you." Sabi ni Matt.
Nang dumating ang order namin ay kumain na kami.
"Saan ang show mo after nito? Hatid na kita." Sabi ni Matt.
"Malapit lang naman din dito. Hindi na ako na ang mag drive papunta dun. Susunduin ko pa din si Allen sa office ni dad." Sabi ko.
"Okay. Sabay na lang tayong mag punta sa agency." Sabi ni Allen.
"Okay. Thanks." Ngiting sabi ko.
Nang matapos kaming kumain ay agad na kaming nagtungo sa parking area kung saan naka park ang kotse ni Matt.
Ipinag-bukas niya pa rin ako ng pinto.
"Thank you pumayag ka na sumabay sa akin at maging mag kaibigan pa din tayo." Sabi ni Matt.
"Wala yun. Pero Matt. Hindi na ako ang manager mo ah. Si mom na." Sabi ko.
"Yeah, I know and I understand why." Sabi niya.
"Sorry sa iskandalo na nagawa ko." Sabi niya pa.
"Okay na yun. Okay naman na tayo ngayon." Sabi ko.
Nang makarating kami sa agency ay agad na akong nag tungo sa office ni dad. Si Matt naman ay makikipag meeting para sa bago niyang endorsement.
"Dad? Nasa inyo na po ba ang susi ng kotse ko?" Tanong ko kay dad pag pasok ko sa office niya.
"Yeah. Hawak na ni Allen." Sabi ni dad.
"Where is he?" Tanong ko nang hindi ko makita si Allen.
"Nasa comfort room. Nag freshen up lang." Sabi ni dad.
"Baby? Naka balik ka na pala." Sabi ni Allen pagka labas ng comfort room sa office ni dad.
"Yeah. Let's go na?" Sabi ko kay Allen na ki-niss siya.
"Hey! Tatakasan mo ba ako, Queen?! What happened? Kunot ang noo na tanong ni dad.
"Ops. Haha sorry dad." Natatawang sabi ko.
"We're okay na dad. Naka pag usap at nagka linawan na kami parehas. May ipinakiusap lang siya na mag po-post siya ng cover song para sa akin mamaya. Nag promise siya na last na iyon." Sabi ko.
"Oh. Okay." Sabi ni dad.
"Kwento mo na lang ang ibang detalye mamayang dinner." Sabi pa ni dad.
"Okay dad. Alis na po kami. See you later. Love you daddy." Sabi ko na nag kiss kay dad.
"Love you too honey." Sabi naman ni dad.
Nang naka pag paalam na din si Allen ay tuluyan na kaming lumabas sa office ni dad. Nadaanan namin ang conference room kung saan nag me-meeting sina mom at Allen.
Tumayo si mom at binuksan ang pinto.
"Queen, yung dinner mamaya. Wag kayong male-late." Sabi ni mom.
"Yes, mom." Sabi ko naman na nag kiss na sa kanya.
"Bye mom. See you later. Love you.
"Love you too honey. See you later." Sabi ni mom.
Nang makarating kami ni Allen sa parking ay agad na din kaming sumakay sa aking sasakyan na Ferrari 488 GT Modificata.
"Woah! Baby how many sports car do you have?" Manghang tanong ni Allen.
"Can't tell." Natatawang sabi ko.
Nang makasakay kami sa aking kotse ay agad na akong nag drive papunta sa location ng FM ko.
"My love chat mo na sila na OTW na tayo sa location." Sabi ko kay Allen.
"Na chat ko na sila baby. OTW na din daw sila." Ngiting sabi ni Allen.
"Good." Sabi ko.
"Anong nangyari sa pag uusap niyo ni Matt?" Seryosong tanong ni Allen.
"Okay naman my love. Nagka linawan na kami. So ayun okay na. Friends na din kami ulit." Sabi ko.
"Okay. So anong kanta naman yung i-co-cover niya na para sayo?" Tanong ni Allen.
"Actually hindi ko alam. Hindi ko din kasi tinanong sa kanya." Sabi ko.
"Okay." Sabi ni Allen.
"Nasa location na daw sila. Kaka-chat lang ni Tim." Sabi ni Allen.
"Okay." Sabi ko na binilisan ang pag mamaneho.
Nang makarating kami sa location at pinigilan ko muna si Allen na bumaba ng sasakyan.
"Why, baby?" Tanong niya.
"Gusto lang kitang ihug at i-kiss." Sabi ko na hinalikan siya at niyakap.
"I love you Allen." Sabi ko na muli siyang hinalikan.
"I love you more, Queen." Ngiting sabi ni Allen.
"So payag ka na bang magpa-kasal tayo?" Pabirong sabi niya na tinanguan ko.
"Payag ka? Talaga?" Ngiting sabi ni Allen.
"Yes, Allen." Ngiting sabi ko.
Niyakap ako ni Allen at may kinuha siya sa kanyang bulsa at binuksan ang maliit na box.
"Cartier ring?! Oh. My. God! This is so expensive." Manghang sabi ko.
"It's worth it baby." Ngiting sabi ni Allen na isinuot sa akin ang sing sing.
"Relax baby. I love you." Ngiting sabi ni Allen na hinawakan ang kamay ko na nanginginig.
"I love you too my love." Sabi ko na niyakap siya.
Nang bumaba kami ng kotse ay sinalubong kami ni Net.
"Ang tagal niyo." Sabi ni Net na hinila na ako.
"Bih, wait asan si Tim?" Tanong ko.
"Nag C.R lang siya mih bakit?" Sabi ni Net.
"Wala lang. Okay na ba kayo?" Sabi ko.
"Oo mih." Kinikilig na sabi ni Net at iniabot sa akin ang phone niya.
"Net, Babe. Thank you sa mahabang pasensya mo sa akin. Mahal na mahal kita." Post ni Tim.
"Oh my gosh. Ayieee..." Kinikilig na sabi ko.
"After dinner mamaya mag live tayo." Sabi ko pa.
"Okay mih." Ngiting sabi ni Net.
"Mag pe-freshen up lang ako bih. Usap tayo ulit mamaya." Sabi ko. Tinawag ko naman agad si Allen para samahan ako.
"My love?!" Sabi ko.
"Yes, my love?" Sabi ni Allen.
"Pwede bang itago mo muna tong napaka mahal na singsing na to?" Ngiting sabi ko.
"Why?" Tanong niya.
"Baka mawala." Sabi ko.
"Baka mawala o natatakot ka na makita ng iba?" Tanong ni Allen.
"My love hindi ko alam kung paano ko sila sasagutin." Sabi ko.
"Okay." Walang ganang sabi ni Allen.
"Labas na muna ako bibili lang ako ng kape." Sabi pa ni Allen.
Nang matapos ako na mag ayos ay tinawag na ako ni Tim.
"Best tara na?" Sabi ni Tim na tinanguan ko.
"So okay na kayo ni Net?" Sabi ko.
"Yeah.Thank you." Sabi ni Tim.
"Sows. Kayo pa ba. Malakas kayo sa akin eh." Natatawang sabi ko.
"Eh kamusta kayo ni Allen? Nag away ba kayo?" Seryosong tanong ni Tim.
"Nope. Bakit?" Takang tanong ko.
"Gusto daw kasi niyang mapag isa muna." Sabi ni Tim.
Nang makarating kami back stage ay nagkakatawanan sina Net at Darren habang tahimik at seryoso naman si Allen.
"Love galit ka ba?" Tanong ko kay Allen.
"Nope." Sabi niya na hinawakan ang kamay ko.
Tinawag na kami sa stage kaya umakyat na kami habang inalalayan ako ni Allen.
Si Darren ang unang kumanta na sinundan nina Tim at Net.
Kumanta rin kami ni Allen at nag request ang mga fans ko na mag song and dance daw ako na pinag-bigyan ko naman.
After ng show ay nakipag halubilo pa ako sa aking mga fans at nakipag picture taking.
Matapos nag paalam na ako sa aking mga fans na aalis na kami dahil may lakad pa kami. Napuno ang aking van ng mga regalo ng aking mga fans.
"Kita kits na lang sa park guys." Sabi ko sa aking mga kaibigan na tinanguan naman nila.
"Allen?!" Tawag ko sa kanya bago sumakay sa aking kotse.
"Yes, baby?" Sabi niya.
"May problema ba tayo? Kanina mo pa ako di kinakausap." Sabi ko.
"May iniisip lang ako." Matamlay na sabi ni Allen bago tuluyang sumakay sa aking kotse.
"Iniisip na ano?" Takang tanong ko.
"Wala, wag mo na lang akong pansinin. Magiging okay din ako." Sabi niya.
"Allen, no secrets hindi ba?" Sabi niya.
"Yeah, pero baka kasi kung ano pang sabihin mo." Sabi niya.
"So ano nga?" Sabi ko.
"Nagtatampo lang ako." Sabi niya.
"Kanino? Sa akin? Bakit?" Sunod-sunod na tanong ko.
"Hinubad mo kasi yung singsing na ibinigay ko." Sabi niya.
"OMG! Allen, sabi ko naman diba baka mawala ko." Sabi ko.
"Baby, kaya nga hayaan mo na muna ako." Seryosong sabi niya.
"I'm sorry. Sige na akin na isuot mo na ulit sa akin. Sorry baka kasi may maka kita tapos ang dami na namang mag re-react. Tapos hindi pa alam nina mom at dad." Sabi ko.
"Sinong may sabi na hindi nila alam?" Sabi ni Allen.
"Bago pa man kita ayain ng kasal nag paalam na ako sa kanila." Sabi ni Allen.
"Oh my gosh. Seryoso ka ba? Alam nina mom at dad?" Sabi ko.
"Yeah, at dahil pumayag ka. Sa akin na muna to. Para marecord din natin ang proposal ko." Sabi niya.
"Anong gagawin mo?" Sabi ko bago nag drive.
"Surprise!" Natatawang sabi ni Allen.
"Gosh, Allen!" Natatawang sabi ko.
Nang malapit na kami sa park ay huminto muna ako sa coffee shop para bumili ng cinnamon bread at coffee.
Busy naman sa phone niya si Allen.
"Mas importante ba yang ka chat mo kesa sa akin?" Nag tatampong sabi ko.
"Ayieee. Nag seselos ba ang fiancee ko?" Ngiting sabi niya.
"Bakit hindi na pwede?" Tanong ko.
"Pwede baby. Nasa iyo ang lahat ng karapatan pero mommy mo at si Tim ang ka chat ko." Natatawang sabi ni Allen.
"Bakit ka chat mo si mom?" Takang tanong ko.
"May tinanong lang." Sabi niya.
Matapos namin na mag kape ay tumuloy na kami sa park kung nasaan sina Tim, Net, at Darren.
*Mag leave kayo ng comments guys. Mention ko kayo sa next chapter. Thanks.*