Nasa veranda kami ni yumi, Samantalang ang mga asawa naman namin ay nag uusap sa garden. Mula dito kita namin pano mag usap sina axel at vince. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala sa mga nakikita ko, I mean. Yong mga lancaster, Muka silang nakatakas lahat sa mental. Hindi ko nga alam pano ako makikisama sakanila. Ang mga anak ko nasama na sa kalokohan nila ganon din kay yumi, Ngumingiti nga lang siya sakin sa tuwing nakikita ko ang mga anak ko na nakikipag hagisan din. Mukang ako ang mamatay ng maaga sakanila. "Alam mo bang matagal ka ng hinahanap ni Josh?" Tumingin ako kay yumi ng basagin niya ang katahimikan samin. "H-hindi." Pagsasabi ko ng totoo. Muli nakangiti lang ito sakin. "Matagal kana niyang hinahanap, Mabuti na nga lang sa tuwing pumupunta yon dito kahit papaano n

