"Sir! Sir! Anong masasabi niyo sa kumakalat na footage?" "Sir! Totoo po ba ang namamagitan sa inyo ni Mr. Paulo Mendoza?" "Sir, bisexual po ba kayo?" Pagkabalik nila Ryker sa Maynila ay nagtagal muna sila ni Paulo sa bahay nila. Ang kapatid naman at kinakasama nito ay nanatili sa kanilang condo. Matahimik silang natulog na magkatabi noong gabing 'yon. Pero ngayon ay ginambala naman siya ng mga media. Hindi na sila nagtaka dahil kita naman noong dinukot siya na maraming kamera ang nakatutok sa kaniya. Marahil kumalat agad ito sa Maynila at mga karatig na probinsiya. Walang habas siyang naglakad papasok sa opisina at hindi na nilingon ang mga reporter. Tinulungan din siya ng mga guard at security na paalisins sila. Akmang uupo na siya ng tumunog ang telepono niya. Kinuha niya ito at bi

