"Pau? Napatawag ka?" takang tanong ni Ryker.
Matapos ang Valentine's day at ilan pang araw ay bumalik din si Paulo sa Cebu para asikasuhin ang proyekto nila roon. Si Ryker naman ay patuloy rin sa pagtatrabaho kasama rin ang kanilang mga empleyado.
Buhos siya sa pagkayod kahit pa maraming kliyente. Patuloy lang din siya sa pagte-train ng mga taong gustong sumabak sa kanilang industriya.
Kasalukuyan sila ngayong nasa isang photoshoot para sa monthly cover ng isang tanyag na clothing factory. Hapon na iyon at patapos na rin naman ang set.
Nakakapagod man ay pinilit din nilang matapos dahil huling araw na ito. Maraming kinailangang gawin kaya inabot sila ng tatlong araw. Hindi rin naman nakasama si Vince dahil ingat pa rin itong lumabas at sa bahay lang nakakapagtrabaho.
"Nasaan ka? Umuwi ka muna at huwag munang lumabas. Sabihan mo na rin sila Vince at Matt." bakas ang pag-aalala sa lalaki.
"Huh? Bakit? Mayroon bang nangyayari?"
"Pauwi na ako ngayon sa Manila. Ngayon lamang binalita na tumakas daw sa embassy si Mr. Wesley Valencia. Nadukot daw si Jacob Punzalan kaya naman nagkumahog itong Valencia."
"Puta... Patapos na kami at naglilinis nalang... Mag-iingat ka rin diyan ah!" bakas ang pag-aala sa binata.
"Siya lang naman ang malaya ngayon pati si Mr. Gonzallgia. Ang lahat ng lalaking bumaboy sa'yo ay nasa kulungan na. Kaya ngayon ay mag-ingat ka pa rin."
"Okay sige. Pack-up nalang rin naman namin nga-" hindi na nagawa pang ituloy ni Ry ang sasabihin nang mayroong tumutok sa kaniya ng b***l.
"Taas-kamay! Sumama ka sa akin nang matiwasay kung ayaw mong mayroong mangyari sa pamilya mo!" kilala niya ang boses na iyon. Kanina lamang ay pinag-uusapan lang nila ang lalaki pero ngayon ay nasa harap na niya.
"Ry?! Ry?! Ano nangyayari?!" sigaw ni Paulo mula sa kabilang linya.
"Security! Security!" sigawan ng mga tao.
"Walang gagalaw! Puputok ang ulo nito! Walang gagalaw!" sigaw pa ni Wesley.
"Ryker?! Putangina! Nasaan ka ngayon?! Buksan mo ang GPS mo!" naghahagrumentong tugon ni Paulo.
Natahimik naman ang mga tao. Ang iba ay napaluhod at napadapa pa. Ang mga mayroong hawak na telepono ay napabitiw rin.
"Sumama ka sa akin ng matiwasay," takot ang pinararamdam ng boses nito.
Hinatak siya ng lalaki at iginiya sa itim na van. Hindi siya natatakot para sa buhay niya. Natatakot siya sa sinabi nitong maaaring saktan ng mga kasama nito ang pamilya niya.
Habang nasa biyahe ay tinakpan ang mata niya. Itinali rin ang kamay niya at mga paa niya. Nakaupo lamang siya sa upuang pinagigitnaan ng dalawang maleta. Malakas ang aircon at kaba niya kaya pinagpapawisan siya ng malapot.
Malubak ang kalsadang tinatahak. Nakaramdam din siyang umuugoy ito. Minsan ay mabilis at minsan ay mabagal. Kahit anong sigaw niya ay wala na siyang ibang magawa.
Napili na lang rin niyang manahimik dahil mauubos lang ang lakas niya.
Dumaan ang tatlong oras at huminto ang sasakyan. Mahigpit siyang hinawakan sa kwelyo at padaskol na hinila. Rinig niya ang pagbukas ng makalawang na pinto. Itinulak iyon ni Wesley at pumasok.
Binagsak siya ng lalaki sa isang maalikabok na semento. Pumatak ang mga pawis niya at dugo mula sa noo. Kirot ang una niyang naramdaman sa noo at tuhod niya.
"Mr. Frodo, okay na! Ilabas mo na si Jacob!" angil ni Wesley.
"Wala ka talagang modo!" boses iyon ng isang maawtoridad na matandang lalaki.
"Wow. Talaga lang ha?" sarkastimong sabi ng binata.
"Hindi pa bumabalik ang anak ko kaya hindi mo pa makukuha ang hinihingi mo. Maghintay ka lang. Darating din sila..."
"Matigas ang ulo ng anak mo kaya hindi darating iyon! Tangina! Sino ba 'tong lalaking 'to sa buhay ng anak mo?! Sino ba 'yang dalawang matanda sa gilid sa anak mo?!"
"Tumahimik ka! Maganda ang plano ko! Malapit na rin silang pumunta! Hindi nila matitiis ang mga hawak kong alas."
"Ikaw nga hindi ka niya binalikan na sariling ama niya! Sila pa na walang saysay sa buhay niya! Sino ka para bigyan ng simpatya? Haha! Nakakatawa ka!"
"Pamilya 'to ng lalaking kinakasama niya! Mapipilitan siyang bumalik sa akin kapalit nila! Hindi ako tanga katulad mo! Nagpaloko ka kaya ka hinarang sa airport! Ang tanga-tanga mo!"
"Ilabas mo si Jacob! Baliw kang matanda ka! Baliw!" muling sigaw ni Wesley.
"Ikaw ang pinakabobong kilala ko! Kilala mo ba ang nagpakulong sa iyo? Si Jacob din! Napakatalino nga ng bata mo dahil napakarami niyang ebidensyang masama sa iyo! Ikaw ang tunay na baliw! Pinatay mo lang naman ang nanay mo!"
"Tumahimik ka tanda!" at nagpaputok siya ng b***l sa ere. "Wala kang alam! At wala kang karapatang malaman!"
"Gusto mo bang magaya kay Kiko? Ayon... pinagkakantot na ng mga alaga ko sa kulungan! Tignan natin kung buhay pa 'yung p**e niyan! Mga hayop ang bata ko roon! Bigyan mo ng karne ay susunggaban agad! Haha!"
"Oh nasaan na ang mga bata mo ngayon?! Ang lakas mong ipagmalaki sila pero sila rin mismo ang tumalikod sa'yo! Ikaw ang mas hamak na hayop! Dahil kulang nalang patayin mo sila sa trato mo! Kaya nga ganiyan din ang anak mo sa'yo-"
"Manahimik ka!"
"Eh ikaw lang din naman nagturo sa kanilang maging katulad mo! Mas masahol ka pa nga eh! Ang galing mo-"
"Manahimik ka! Puputukin ko 'to! Tangina mo!" at tinutikan ng b***l ni Mr. Gonzagilla si Wesley.
"Sige iputok mo! Tignan lang natin ang tapang mo?! Maraming galit sa'yo sa kulungan! Ano nalang ang gagawin nila sa'yo?! Maging karne rin nila?!"
"Hinahamon mo ba ako?!"
"Hindi! Sinasabi ko amg totoo! Gumising ka tanda! Hindi matututunan ng anak mo ang ginagawa mo! Akala mo ba susunod siya sa yapak mo?! Mag-isip ka! Mulat na ang anak mo at hindi na niya matututunang pumikit pa!"
"Maraming puwedeng gawin ang pera at pagmamahal!"
"Puwede siyang gumawa ng pera! At isa pa hindi ka naman niya mahal dahil hindi mo naman siya tinuring na anak!"
Biglang umalingawngaw ang isang putok ng b***l. May naramdam si Ryker na napahiga sa tabi niya. Naaamoy rin niya ang kalawang na amoy ng dugo.
"Ang ayoko sa lahat, ginagago ako. Nakalimutan mo ata kung sino ako. Isa kang utak ipis na nilalang. Kung hayop man ang naninirahan sa akin, demonyo naman sa'yo," boses iyon ng matanda na bumubulong sa katabi niyang binaril.
"G-Gago K-Ka T—" hindi na natuloy ni Wesley ang sasabihin dahil muli siyang pinagbababaril ni Mr. Gonzallgia.
Nakaramdam si Ryker na mayroong lumalapit ss kaniya. Bigla siyang hinawakan sa leeg at hinablot. Binuhat siya nito at inihagis pababa sa isang kakahuyan. Tinggal din ng lalaki ang busal sa bibig pero tinira ang panakip sa mata. Nakatali pa rin ang mga kamay at paa niya.
"Tulong! Tulong! Sino ang nariyan?! Tulong!" boses iyon ng isang ginang na kilalang-kilala niya.
"Tulungan niyo kami! Maawa na kayo! Pakawalan ninyo kami!" boses naman iyon ng ama niya.
"Ma?! Pa?! Ma?! Kayo ba 'yan. Intayin ninyo ako ililigtas ko kayo! Hintayin ninyo ako!" sigaw ni Ryker.
"Ryker?! Anak?! Tulong! Ry ikaw ba 'yan?!" boses ng magulang niya.
"Ma! Ako 'to! Hintayin ninyo—" hindi na niya natapos ang sasabihin nang nakaramdam siya ng isang malakas na suntok sa sikmura.
"Para 'yan sa pagkuha sa anak ko!" boses ng isang matanda.
Maya-maya pa ay sinuntok naman siya sa panga niya. Sa braso niya at muling sa sikmura niya.
"Para 'yan sa pagpapakulong sa akin! Putanginamo ikaw 'yon hindi ba?!"
"D-Duwag ka. Duwag ka dahil l-lumalaban ka nang hindi p-patas..."
"Walang patas sa mundo!"
"W-Wala ka rin k-karapatang tumira sa m-mundo kung ganiyan ang pag-iisip m-mo..." bakas sa boses nito ang sakit sa mga suntok na natamo.
Maya-maya pa ay nakaramdam siya ng isang buhos ng tubig. Ramdam niya ang kirot sa mga sugat na natamo. Hirap na rin siyang huminga dahil sa pagkahingal at sakit.
"Tanginamo! Sinong gusto mong unahin ko?! Ang ama mo? O ang ina mo?!"
"Duwag ka! Duwag ka! Duwag ka!"
Nakaramdam siyang muli ng suntok sa mukha. Sobrang lakas noon dahilan para matumba at mahilo siya. Masakit ang suntok at masakit din ang pagkakabagsak ng ulo niya.
"Bakla ka! Tanginamo mo! Ginawa niyong hayop ang anak ko! Ang kapatid mo ang may kagagawan! Parehas kayo!"
"I-Ikaw ang t-totoong h-hayop... Ikaw a-ang totoong g-gumawa noon s-sa kaniya. K-Kasi duwag ka..."
"Mas hayop ka! Tangina mo!"
"P-Pero h-hindi ako d-duwag..."
・・・
"S-Sorry... Excuse me..." Hilong-hilo na si Ryker habang naglalakad sa gitna mataong lugar. Kasalukuyan siyang nasa loob ng bar na kaniyang pinuntahan.
Nagpapasalamat si Ryker na nakalabas pa siya sa kaniyang tinitirhan kahit mahigpit ang curfew nito. Matapos tumawag ang kapatid na naaksidente ang ama at kailangan nila ng pera pang pagamot at opera ay walang maisip na dapat gawin si Ryker.
Gipit siya ngayon, ang kababayad niya pa lang para sa graduation fees. Ang kaniyang inipon sa pagtatrabaho sa gym ay halos doon niya nabuhos lahat. Sabay-sabay lahat ng kaniyang problema kaya naisipan niyang magpakalunod na lang muna sa alak.
Nakarating si Ryker sa banyo ng bar kung saan paulit-ulit siyang dumuwal. Sobrang umiikot ang kaniyang paningin at hirap na siyang huminga. Pulang-pula na ang tainga niya sa alak at init na nararamdaman. Akmang lalabas na siya nang may makabanggang bulto ng isang malaking Koreano.
Sa isang malakas na suntok sa panga ay bigla na lang siyang nawalan ng malay.
Muli siyang nahimasmasan nang makaramdaman naman ng sakit sa sikmura at sentido. Paulit-ulit na suntok sa kaniyang katawan at bugbog sa kalamnan. Nahihirapan na siyang huminga at pagod na siyang tumindig.
Nang napagdesisyunan niyang sumuko na ay narinig niya ang isang malakas na sigaw mula sa lalaking nasa malayo. Panandaling natigil ang pagtanggap niya ng sakit, napalitan iyon ng ingay mula sa harap niya. Wala siyang makita, pero naririnig niya lang ang tinig ng lalaking gusto siyang tulungan.
"P-Paulo... P-Paulo..." Tumulo na ang luha ni Ryker kahit may tabing ang kaniyang mga namamagang mata.
"Gago ka! Ang lakas ng loob mong magsalita pa! Magbabayad—"
"TAAS ANG KAMAY! PINALILIBUTAN KA NA NAMIN! HUWAG KANG KIKILOS NG MASAMA! BOYS! MOVE!"
"PUT YOUR g*n DOWN OR WE WILL SHOOT YOU!"
Nakaramdam si Ryker ng mabibigat at mabibilis na yapak. Naramdaman niyang mayroong pinaluhod sa gilid niya. Mayroong mga kamay rin ang tumingin sa pulso niya. Mayroong nagtanggal ng piring at mga tali niya.
Nasilayan niya ang mukha ng tatay ni Matt. Moreno ito at may kapanguang ilong. Matanda na ang itsura pero itim pa rin ang mga hibla ng buhok.
Iika-ika siyang lumapit sa lalaking pinoposasan. Nakita niya ang galit doon at panggigigil. Tumingala ang lalaki at nakipagtitigan sa kaniya.
Malabo man ang tingin niya dahil sa sapak pero malinaw pa rin ang pagkakabasa niya sa matanda.
"Duwag ka... Kasi hindi mo pinakita sa akin ang totoong mukha mo..."
Hinablot ang matanda at dinala sa kotse ng mga pulis. Nilibot niya ang paningin niya at nakita niyang mayroong isang lalaki rin ang inaalalayan. Sa gilid ay may dalawang matanda ring inaalalayan. Inalalayan siya ng kapulisan papunta sa mga magulang niya.
"Ryker anak..." hagulgol ng ina niya.
Hindi man umiiyak ang ama niya ay bakas pa rin ang takot dito at pag-aalala. Nakita niya pang binabalot ang bangkay ni Wesley ng puting tela matapos itong dokyumentuhin ng mga pulis.
Palabas na sila nang makita niya ang mga nag-aalalang mukha ni Paulo, Vince at Matt. Hinaharangan sila ng mga pulis. Marami ang media at mga taong umuusisa.
Hinagkan siya nang mahigpit ni Paulo. Hindi alintana ang mga mata ng tao. Kahit pa vinivideohan ng mga media ay walang pakiilam ang lalaki.
"Love, I'm sorry..." tumulo na lamang ang luha ni Pau habang nakayakap ito kay Ry.
"Hindi tayo ang may kasalanan... Okay? Ang mahalaga ay tapos na..."
"Love..."
"I love you, Pau..." at hinalikan niya ang ulo ng lalaki.
Lumapit naman ang kapatid niya at si Matt sa magulang nito. Totoo ngang tinuring na anak si Matt dahil bakas sa mga magulang niya ang pag-aalala at saya nang muling makasama ang lalaki.
Matapos ang kamustahan ay bumaling din sa kaniya ang dalawa pa. Mariing nagpasalamat ang mga ito sa mga sakripisyo at paggabay niya. Humahanga sila sa katatagan at kalakasan ni Ryker na harapin ang ganitong pangyayari.
Napagpasiyahan nilang ipagamot muna ang mga natamo niyang sugat at tignan din ang blood pressure ng mga magulang.
Lumapit sila sa Medical Team at nagpagamot ng sugat. Tumabi siya sa bulto ni Jacob na mariing nakapikit habang ginagamot ang braso at mukha nitong may sugat at pasa.
"Are you okay? How are you feeling?" tanong niya habang ginagamot siya.
"Yeah, ikaw? Hmm... Thank you for those evidences. I just hope for Wesley to be in cell and repent his wrongs but I heard he passed away. I'm sorry for him..."
"Me too... Also, I just wish you a peaceful mind... You also suffered hell in him..."
"Thank you... Peaceful mind din sa'yo... Parehas lang tayong nagdusa..."
"Babalik ka nang U.S? Kailan?"
"Yup... I miss my mom... Kapag ayos na ang lahat..."
"How about..."
"Well, I'll be the one who process the papers... Itatabi ko nalang siya sa mommy niya..."
"Wow... I'm awe to your thoughness... Your too brave to handle this situation..."
"Haha! Pinatatag na ng panahon..."
Nang minsang nagkita sila at ibigay niya ang mga ebidensiyang magpapakulong kay Wesley ay nalaman niya ang totong lagay ng dalawa.
Bestfriend daw talaga siya nito at mayroong boyfriend noon. Kaso dahil nga sa kabaliwan kapag nagse-s*x ay hiniwalayan din. Nabaliw raw si Wesley kaya napagbuntungan ang kaniyang ina.
Isang araw ay pinapunta raw siya ng lalaki sa bahay nila. Doon ay na-frame-up siya ng binata. Ikinulong daw siya ng dalawang linggo at nagpakita sa kaniya si Wesley.
Nakipagkuntsaba itong i-uurong ang kaso kung sakaling papayag itong maging s*x slave niya. Kung hindi naman ay mayroong mangyayaring masama sa nanay niya habang nakakulong siya. Napapayag siya nito dahil na rin sa takot niyang mayroong mangyari sa nanay niya.
Malakas ang kapit ni Wesley sa iba't-ibang g**g kaya hindi niya magawan ito ng masama. Ngayong nasa Pilipinas na sila ay tska lamang niya naisakatuparan ang plano niya.
"Nak, sa amin na muna tayo umuwi..." tatay niya na pinuntahan siya sa kinauupan niya.
"Kayo pong bahala, pa..."
"So... Thank you and goodbye... If you want to go in U.S. you can contact me and I'll help you in your stay..."
"And if you want to go back here, contact me too so that I can help you. Thank you... And goodbye brother."
Nilisan nila ang area na iyon at tumungo na sa mgha kotse. Nakita niya roon ang nanay niyang nakakapit kay Paulo at Matthios. Tuwang-tuwa ito sa dalawang machong binata.
"RyRy kay PauPau ka na raw sumabay. Kila ViVi at MattMatt na kami ng papa mo..." desisyon ng kaniyang ina.
"Doon muna kayo magpahinga. Magbakasyon din kayo roon. Napakaraming nangyari sa inyo.." sabi ng kaniyang ama.
"Sige po..."
Sumakay na sila sa kaniya-kaniyang kotse. Si Paulo ang driver at bakas sa mukha nito ang pag-aalala at pagkatakot. Matapos siyang pagbuksan ng kotse ay naupo na siya.
"What are you feeling right now?" habang hinihimas ng kasintahan ang pisnge ni Ryker.
"Happy... I'm finally home..." at sumilay ang ngiti sa mukha niya.
"Yeah... We are... You're my home..." sabay halik ng binata sa likod ng palad niya.
Marami pa silang napagkuwentuhan habang sinusundan sila Vince papuntang sa kanila.
Kung papaanong nakauwi siya agad, kung saan nakapagtago sila Vince. Paano nakuha ang magulang niya. Paano ang naiwang trabaho at kailan babalik.
Ang tanging nasagot lamang ni Paulo ay isipin na lamang ni Ryker ang mga magagandang karanasan at natutunan.
Kung papaanong tatayo muli at paplanuhin ang hinaharap. Kailangan din muna nilang magbakasyon at magpahinga. Magnilay-nilay nang magkakasama.
'The best part of it, I was safe and well back home with my loved ones.'