Matapos ang pagsalsal niya kay Paulo ay hindi na siya muling nakapag-isip pa nang maayos. Kapag pipikit lamang siya ay mukha ni Paulo ang naiisip niya.
Minabhti niya nalang na magdesisiyon kung papaanong kikitain niya si Paulo. Magdadala siya ng bulaklak, ipagluluto ang binata, o 'di kaya ay haranahin na rin niya.
Bahala na, basta't makita niya lang muli ang binata at magkaayos na sila. Isa pa, upang mapagplanuhan din nila ang hakbang sa paghuli sa tatay ni Matthios.
Kahit anong lakas ng ebidensiya nila kung hindi naman sila magpaplano at magtutulungan ay baka masayang lang ang kanilang pinaghirapan
Kasalukuyan siyang nasa mall ngayon upang mamili ng mga rekados na iluluto niya para kay Paulo. Naniniwala siyang kung gusto niyang paibigin muli si Paulo ay sa sikmura niya idadaan.
Magaling magluto si Ryker dahil noon pa lamang sa probinsiya ay tinuruan na siya. Mas naging hasa siya noong nag-abroad na at mag-isa na lamang sa tinutuluyan.
"Nilaga o Sinigang? Hmm... Parehas nalang."
kausap ni Ryker ang kaniyang sarili.
Pumunta siya sa meats section at kumuha ng mga baboy at baka. Pumunta sa vegetable section at kinuha niya ang lahat na kailangang sahog.
Papunta na sana siya sa mga pechay pero nakita niya ang lalaking palaging iniisip niya na namimili rin ng pechay. May kasama itong babaeng buntis at hawak-hawak niya sa bewang.
Akmang aalis na ang dalawa nang tumalikod siya at magtago. Hindi niya kaya ang kaniyang mga nasaksihan. Maraming naglalaro sa isip niya na unti-unting dinudurog ang puso niya.
Sino ang babaeng iyon?
Buntis ang babae, si Paulo ba ang ama?
Nakahawak si Paulo sa bewang, baka siya nga!
Mahilig na pala ngayon si Paulo sa pechay...
Tumakas ang isang patak ng luha sa kaniyang mata. Agad niya iyong pinunasahan dahil baka may makakita pa sa kaniya. Bumaling na lamang siya sa counter at binili ang lahat ng iyon. Lumabas siya sa mall at walang buhay na nagdrive.
Nagluluto na siya noong tanghaling iyon nang mayroong nag-text sa kaniya. Padaskol niyang kinuha ang telepono at tinignan ito.
From: Kapatid Kong May Luslos
Kuya nakita ka raw ni Matt sa mall kanina. Babatiin ka sana niya kaso mukhang bad mood ka raw. Okay ka lang ba?
To: Kapatid Kong May Luslos
Yup. Wala na kasing pechay sa mall. Hindi kumpleto sahog ng nilaga ko.
From: Kapatid Kong May Luslos
WTF?! Ang hirap mong kausap
To: Kapatid Kong May Luslos
Punta kayo rito. Sayang mga niluto ko.
From: Kapatid Kong May Luslos
Nilaga ulam?
To: Kapatid Kong May Luslos
Oo. Nilagang Aling Marites. k*****y ko na. Ang ingay lagi tuwing umaga!
From: Kapatid kong May Luslos
Haha! Gago! Punta kami riyan. Ano gusto mong ipabili?
To Kapatid Kong May Luslos
Pechay. Samahan mo na ng beer.
From: Kapatid Kong May Luslos
Sige. Kuwentuhan tayo mamaya ng alamat ng pechay. Haha!
Hindi na niya nireplyan ang kapatid at pinagpatuloy nalang ang pagluluto. Mabilis niyang nahiwa ang mga gulay habang pinapalambot ang mga karne.
Matapos niyang ayusin ang lahat ay tska niya nilagay ang mga gulay. Sabay niyang niluluto ang sinigang na baboy at nilagang baka. Muntikan pa niyang mailagay ang sinigang mix sa nilaga. Buti na lamang natauhan din siya kaagad.
Luto na rin ang sinaing niya. Patapos na rin ang kaniyang ulam. Naisip niyang magluto na rin ng pulutan. Kumuha siya sa ref ng shrimp flakes at onion rings. Iprinito niya iyon at binudburan ng asin.
Saktong paglapag niya ng mga ulam ay pumasol sina Vince at Matt. Dala ni Vince ang isang kasa ng beer. Dala naman ni Matt ay isang plastic ng ice cubes at mga snacks. Nilagay nila iyon sa counter top at sinimulang umupo.
"Sakto kayo."
"Hi, Matt... Thank you sa... Lahat-lahat..."bakas ang hiya sa kaniya.
Ngayon lang nakita ni Ry si Matthios na maayos. Unang kita niya rito ay naaawa siya. Puro pula ang katawan nito at maraming tali at kadena ang nakapulupot sa kaniya.
"Hi, Ry nalang. Inaalagan ka ba nitong si Vince? Sumbong mo sakin kapag minomolestiya ka," natatawa pang sabi ni Ry at umupo na sila.
"Ako ang minomo-" napahinto si Vincent nang makita ang nobyong masamang nakatitig sa kaniya. "Haha! By the way, bakit andami atang ulam? May hinihintay pa ba tayo?"
"Kumain ka nalang. Ayan oh patis. Laklakin mo."
angil ni Ry.
"Kayo nagluto lahat ng 'to?" tanong ni Matt habang ninanamnam ang karne sa bibig niya.
"Masarap ba si Aling Marites?" nagbibirong tanong niya.
"Kuya! Nakakawalang gana!"
"Haha! Biro lang. Ako nagluto ng lahat. Ayokong kumuha ng cook o kasambahay. Hangga't gusto ay ako lahat kikilos sa bahay," paliwanag ni Ryker.
"Nagkausap na kayo?"
Napatigil naman si Ryker.
"Dito kayo matulog ah. Hindi kayo makakauwi mamaya. Tska hindi nagagamit ang mga kiwarto baka pamahayan ng mga l***g na kaluluwa. Haha!"
"Haha! May l***g pa lang kaluluwa."
Nagkuwentuhan lang sila hanggang matapos kumain. Lumipat din sila sa garden at doon nag-inuman.
Pagkalabas ni Ryker dala ang mga nilutong snacks ay nagmamadaling umalis si Matt sa pagkakakandong kay Vince.
"Tsk. It's okay. Puwede niyong gawin lahat sa harap ko."
"S-Sorry..."
"Moshi tara dito..." si Vince na tiinapik pa ang hita na parang pinapaupo roon si Matt.
Tumalima naman si Matt. Noong una ay nahihiya pa sa harap ni Ryker pero kalaunan ay sumasandal pa ito sa lalaki. Si Vince naman ay habang inuupan ay yakap yakap ang mahal sa likod.
"May I ask, who'a the top?"
Muntik pang mabuga ni Vincent ang iniinom na beer. Nasalo rin naman niya ang mga tumalsik
"Ehem! We both do. We just like it. Bilang lalaki, gusto rin nating pumasok. At bilang mahal natin ang isa't-isa ay gusto rin nating magpapasok. Like in love, give in take," paliwanag ni Vince
"Necessarily ay kailangan na parehas niyong ginagawa?"
"Hindi... It depends sa magka-relationship. If gusto niyang top lang. Top lang. If gusto niyang bottom lang. Bottom lang. You need to base unto your preferences and then give and take," paliwanag pa ni Matt.
"Hmm... Hindi ka ba iisipan na kapag hindi ka nagpa-bottom ay napakadamot mo?"
"Hindi naman... Kasi kung totoong mahal mo ang tao. Walang bottom, walang top kapag nagkakanaan na kayo. Dahil kapag mahal mo ang tao, hindi niyo na maiisip ang gusto niyong posisyon dahil ang naiisip niyo nalang ay puro kilig at init. Sa sobrang pagmamahal mo hindio na namamalayan ang napaka-wild na pala nang ginagawa niyo."
"Manhid na kayo sa negativity. Wala nang mararamdamang sakit, hindi ka manlalagkit, puro tamis at sarap lang ang malalasahan mo, at habang ginagawa niyo iyon ay maiisip mong kailan kaya mauulit iyon kasi gustong-gusto mo pa."
"That's love... But the real love ay kusang nararamdaman at kapag naramdaman mo iyan, kukusa na ang gawa at salita upang ipakita mo ang pagmamahal mo."
"Bar tayo. Libre ko," ang tanging nasagot ni Ryker.
Kusa niyang minahal si Paulo kahit pa pinipigilan niya noong una.
Kusa silang nagtalik hindi dahil sa kapusukan kundi ay sa kusang pagsabog ng kaniyang nararamdaman.
Kusa niyang nasasabi ang mga salitang mahal niya ang lalaki.
Kusa niyang naiisip ang lalaki sa bawat parte ng bahay nila.
Kusang nag-iisip, gumagalaw, at nagpapasiya ang sarali niya kapag nakaharap si Paulo o 'di kaya si Paulo ang topic.
Hindi siya lasing sa alak. Lasing lang siya sa kilig at pagmamahal.
'Masarap pa lang malasing at kung mayroon mang pagkakataon pa. Paulit-ulit akong maglalasing.'
・・・
"Kuya! Hindi ako masiyadong iinom para mayroon mag-drive pa sa atin," si Vince habang kausap ang kuya sa loob ng bar.
"Sige lang!"
Napaka-ingay sa loob. Halo-halong tugtog ang kanilang naririnig. Ang malakas na trans music. Mga tawanan at mga basong pinapatunog. Mayroon ding mga nagsisigawan habang sumasayaw.
Bahagya nang nakalayo ang magnobyo at magsasayawan na sa gitna. Nasa isang VIP table siya ngayon sa 2nd floor at kita niya ang lahat.
Nakangiti lamang siyang umiinom at nagmumuni. Alam niyang kapag nakainom siya ay hindi naman siya pala-away. Ang dulot sa kaniya ng alak ay kapilyuhan at puro tawa lang. Ganoon siya malasing.
"Hi, Cigar Sir?" anang ng babae.
"Nakooo... *Huk* Bibili ako kapag nakuwento mo sa akin ang alamat ng pechay..." nakangising sabi niya.
Umalis ang babae at lumipat sa kabilang table. Maya-maya pa ay mayroong lumapit na desenteng babae.
"Hi!"
"Hi! Kumakain ka ng pechay? Haha!"
Muling umalis ang babae at nilisan siya. Maya-maya pa ay may lumapit muli sa kaniya.
"Alam mo ba mabubuntis ka kapag kumain ka ng pechay... Haha!"
"Talaga bakit naman?"
"Iyong mahal ko kasi nakita kong bumibili ng pechay. Haha! May buntis na kasama, tangina!"
"Ows? Naka-usap mo?"
"Hindi! Bakit pa? Kabit niya pala ako."
"Baka pinsan niya lang kasi ang kasama niya at nagpasama lang mamili dahil nasa ospital ang asawa. Kaya ka ba naglalasing."
"Kahit na! Hindi na ako nakabili ng pechay dahil sa kanila! Hindi tuloy masarap nilaga ko."
"Ows. Patikim nga muna kung hindi nga masarap 'yang nilaga mo..."
Tumingin siya sa kausap at ganoon nalang amg gulat ng hindi mamalayan ang kanina niya pang pinagbubuntungan ng galit.
"P-Pau..."
"Kaya ka ba naglalasing? Tinawagan ako ni Vince. Kanina ka pa raw umiinom sa bahay niyo at nag-aya pa sa bar. Inuuto ka lang daw nila at ikaw ang naka-ubos ng buong case ng beer. Now tell, iyon ba ang dahilan?"
"Bakit ka nakahawak sa bewang niya?"
"Dahil buntis siya. Ang buntis ay mabilis mawalan ng balanse kay kailangan ng suporta. Ang asawa niya ay naospital at nagpasamang bumili ng rekados. Kaya ka ba naglalasing?"
"Oo! Kasi nakakainis ka!"
"Bakit ako nakakainis?"
"Kasi may kasama kang iba at buntis pa!"
"Bakit ka naiinis doon?"
"Kasi nakakakulo ng dugo!"
"Bakit kumukulo ang dugo mo?"
"Kasi nagseselos ako! Puta!"
"So... bakit ka nagseselos?"
"Ano ba!"
"Bakit ka nagseselos?"
"Kasi mahal kita!" singhal niya. "Tangina!"
"Haha! Mahal din kita!" yukukod si Paulo at hinawakan ang magkabilang pisnge niya.
Nilamyos niya ng halik ang noo ng binata at saka mariing hinalikan ang mga labi. Lasa ni Paulo ang alak sa bibig ng kapareha kaya mas lalo siyang natutuliro.
Lumalim ang kanilang halikan at hindi alintana ang paligid. Nilakbay ng mga dila nila ang bawat sulok ng bibig ng kapareha. Nageespadahan sa loob ng bibig at nagkakagatan ng mga labi.
"Kasi... Mahal kita..." napayakap nang mahigpit si Ryker sa kapareha.
"Save the date February 1. 12:39 p.m. I love you..."
Hinalik-halikan pa ni Ryker ang leeg ng binata. Sarap na sarap siya sa amoy nitong versace at masarap din ang init ng katawan nito.
"Alis na tayo..."
"Sila Vince..."
"Naka-uwi na raw..."
"Tsk."
"Uwi na tayo..."
"Saan?" habang nakasubsob pa rin ang mukha sa leeg ng binata.
"Saan ba gusto ng love love ko?"
"Sa'yo... Sa'yo ko gustong umuwi..."
"Edi bilisan nating umuwi..."
"Hmm.."
"Kapag pala nakatapak na sa bahay ko ay bawal nang lumabas..."
"Bawal lumabas o bawal magpalabas?"
"You choose."
"Doob ako sa hindi na ako lalabas. Haha!"
"Good. Huwag na tayong aalis ulit..."
・・・
"Bilis naman..."
"Wait lang nagmamadali na nga akong magmaneho eh..."
"Tagal naman tsk."
"May hindi ka pala nakuwento sa akin..."
"Ha?!"
"Bakit ka napatawag noong isang araw? At-"
"H-Ha! May pusa!"
Biglang prineno ni Paulo ang kotse. Lumabas siya at tinignan ang paligid. Pumasok siya nang wala namang nakita. Muli niyang pinaandar ang kotse.
"As I was saying. Naliligo ako non tapos napatawag ka. Madilim din sa'yo naka-ofd ang cam mo. Tapos bigla kang sumigaw. Ano 'yon?"
"Ah wala."
"Hindi ko nga malaman kung ungol o sigaw-"
"Hinto! Si Aling Marites!"
Bigla na namang napahinto si Paulo. Naalog pa bahagya ang mga ulo nila.
"WTF?! Nasa high-way tayo paanong nandito si Aing Marites?!" sigaw ni Paulo.
"H-Ha?! Sabi ko si Aling Marites eh baka siya 'yung sumigaw noon," dahilan ng lalaki.
"Huh? Eh ikaw 'yung kausap ko n'on eh."
"Shh! Mag-drive ka nalang," halatang iniiba niya ang usapan.
"Alam mo... Habang binabaling mo sa iba ang usapan ay mas lalo akong naghihinala... Sabihin mo na ang totoo..."
"M-May... May i-ipis kasi sa b-bath tub mo n'on kaya napasigaw ako..." dahilan niya.
"Hindi ka takot sa ipis, Ry..." natatawang bigkas ni Pau.
"Well, ngayon t-takot na ako..." at umirap pa ng kaunti.
"Pinag-"
"H-Ha?!" nagulat naman si Ry.
"Pinag... Hmm..." nangbibiting sabi ni Pau.
"P-Pinag-ano?!" kinakabahan na siya nang husto.
"Pinag-aalala mo ako..."
"Ah... S-Sorry..." guminhawa naman ang pakiramdam niya.
"At..." pahabol pa ni Pau.
"A-At?!" muli na namang kinabahan si Ry.
"Pinag..."
"P-Pinag?!" butil-butil na ang pawis niya.
"Pinagjajakulan mo ba ako?" nakakalokong sigaw ni Pau.
"Hindi!" bakas ang pagsisinungaling sa binata.
"Weh?!" nag-uudyong tanong nito.
"Oo!"
"Oo?!"
"Hindi!"
"Masarap ba ako?!" tanong niyang nakangisi.
"Oo! Ay hindi!" pag-mamali niya.
"Pinagjajakulan mo ako?!"
"Hindi! Ay oo!" at nasabi niya ang totoo.
"I knew it! Haha!"
"Tanginamo! Doon ka sa labas ng kuwarto! Huwag kang tatabi sa 'kin!" galit na sabi ni Ry.
Bigla namang natahimik si Paulo. Hindi niya nagustuhan ang kinahantungan nang pag-uusisa niya.
"Hindi ka naaawa sa akin?" bahagyang naging bata ang boses nito.
"Hindi!" singhal niya.
"Kahit lamigin ako sa labas?"
"Yakapin mo ang sarili mo!"
"Paano kapag may yumakap sa aking iba?"
"Edi doon ka sa sofa sa loob ng kuwarto!"
"Masikip, hindi ako kasiya..." nagmamakaawa ang boses nito.
"Baliin mo paa mo!"
"Masakit iyon sa paa..."
"Edi sa kama ka!"
"Edi tabi na tayo?" biglang sumaya ang boses nito.
"Hindi! Marami kang kuwarto, remember?!"
"Takot ako sa multo..." kunwari niya pang dahilan.
"Walang malibog na kaluluwa sa inyo!"
"Wala sa ibang kuwarto pero meron sa mismong kwarto ko... So paano ka?" pananakot nito.
"Edi sa ibang room!"
"Isang room lang ang available..."
"Edi roon ako!"
"Eh andoon nga ako eh, so tabi na tayo?" sumiglang muli ang boses ng binata.
"Hindi!"
"So paano ang love love ko?" nagmamakaawang boses nito.
"Putangina! Edi tatabi na ko sa'yo!"
"Yown! Haha!" natuwa naman siya dahil bigay na sa wakas si Ryker.
"At matutulog na agad! Ha! Akala mo ha!" bawi pa nito.
"Okay... Tignan natin mamaya kung makakatulog ka nga..."
"f**k You!" angil ni Ryker.
"Sure! Laters, love..." pilyong sabi ni Paulo.
'Okay Pau... Galingan natin... Haha!'