"Vince! Hoy bilis na! Kukupad-kupad ka riyan!" "Matt... Maliligo ka na?" "Oo! Ako muna mauuna ang tagal mo eh... Bumangon ka na! 'Yung bagong branch ng shop eh magbubukas na! Mayroon ding event sa school! Hindi ko alam kung ano kaya para malaman natin ay kailangan nating pumunta!" "Aish. Public school na 'yon... Obligado ka pa rin sa kanila? Ikaw naiipit at nahihirapan eh... Ayokong alalahanin mo ang lahat..." "Hindi ako nahihirapan... Hindi lang naman tatay ko ang ala-ala ko ro'n... Ikaw... Doon tayo nagkakilalan! Doon mo kaya ako niligawan! Haha! Isa pa ayokong maging bitter. Ikaw na nagsabi, public na 'yon at ibinigay ko na sa nangangailan..." "Wow naman sa'yo ah! Guwapo mo naman na parang ako lang ang nanligaw sa atng dalawa?! Sino kaya hatid sundo ako? Sino kaya ang nagpapalakas

