KABANATA 12: UNANG FLASHBACK

2050 Words
Hindi makapaniwala si Kassie sa nakikita. Lumapit siya sa dalawa at inilabas ang mga kamay sa pagitan ng rehas na bakal. Hinawakan niya ang pisngi ni Frederick. "H-Hindi ka multo?" humahangang sabi niya. Punong-puno ng pagmamahal na tumingin lamang sa kaniya si Frederick at hinalikan ang kaniyang mga kamay. "Kassie, I'm alive." Parang nanalo sa lotto ang reaksyon ng mukha niya. Sobrang saya ng mga mata niya at natawa pa siya. "Totoo ba ito? Hindi ba ako nananaginip?" "Totoo ito." Ngumiti ito habang nakahawak sa dalawang kamay niya. Naiiyak na siya sa sobrang katuwaan, pero biglang nagbago ang emosyon niya nang may maalala. Unti-unting sumama ang tingin niya sa binata at napasimangot nang malaki. Nawala rin ang ngiti ni Frederick nang makita ang ekspresyon na iyon. "Buysit ka!" sigaw ni Kassie na sinakal bigla ang leeg ni Frederick. "Ah!" sigaw naman nito na pilit tinatanggal ang kamay ng babae. "Iyak ako nang iyak, buhay ka pa pala!" "Kassie, L-Let me explain, ah!" "Anong ipapaliwanag mo? Buysit ka! Niloko mo ko!" Nangagalaiti na sabi niya na hindi pa rin tinatanggal ang pagkasakal niya sa leeg ng lalaki. "No Please! L-Let me--- Ah!" "Mamaya na kayo magpatayan!" sabi ni Jobert sa kanila. Napalingon silang dalawa kay Jobert. Sa wakas nagawa nitong buksan ang selda. Nasira nito ang lock gamit ang plier. "Lumabas na tayo! Baka bumalik na si Brandon dito!" Pagkasabi niyon ay nagmamadaling lumabas sina Gina at Kassie sa selda. Pagkalabas ni Kassie ay sinakal din niya si Jobert. "Isa ka pa!" "Kassie, s-sorry na!" pagmamakaawa ni Jobert. "Kassie, mamaya na 'yan! Kailangan muna nating makalabas dito!" awat ni Frederick sa kamay ng babae. Tumigil at humarap siya sa binata. "Okay fine! Pero galit pa rin ako. Grabe ang iyak ko Fred," nanghihinakit na sabi niya na tinuro pa ang sarili. "I'm sorry pero ako ang nagplano nito. Huwag ka sana magalit kila Jobert," nagsusumamong sabi. "Pag-uusapan natin 'yan mamaya! Sa ngayon, tara na!" Nag-iwan siya ng masamang tingin bago hinawakan si Gina at nauna silang umakyat sa hagdan. Pero ano nga ba ang nangyari? Paano nabuhay sina Frederick at Jobert? *** (FREDERICK'S ROUTE) Mabilis na tumakbo si Jobert sa madilim na eskinita. Habang tumatakas ay narinig pa niya ang isang putok na sa tingin niya'y pumatay sa matalik niyang kaibigan. Napahinto siya sa pagtakbo at napalingon sa pinag-mulan. Tumulo ang isang patak na luha mula sa mga mata niya at napasinghot. "F-Frederick, patawad. Kasalanan ko 'to." Akma siyang tatakbo muli pero hindi makayanan ng puso niya at konsensya. Hahayaan niyang mamatay ang matalik niyang kaibigan? "Hindi ko kayang iwan si Fred!" sabi niya sa sarili. Nagkaroon siya ng lakas ng loob na tumakbo pabalik sa pinagmulan. Nakita niya si Frederick na nakahandusay sa kalsada at wala nang malay. Sina Mang Johnny at Mauro ay nakatayo sa tabi ng kaibigan. Nakatingin sila sa katawan ni Frederick at nag-iisip kung paano ito itatago. Nagtago si Jobert sa likod ng Toyota na kotse. "Patay na ba siya?!" nag-alalang tanong ni Mauro. Hindi nito intensyon na pumatay at ang masaklap pa co-worker nito iyon. Nagpa-panic na napasapo ito sa ulo. "Oo. Itapon natin sa ilog," suhestyon ni Mang Johnny. "Eh paano 'yong isa na nakatakas?" tanong muli ni Mauro. "Papaalam natin kay Dok para ipahanap na lang sa private investigator. Buhatin na natin 'yan at itapon sa ilog." Namoblema si Jobert sa narinig. Mahihirapan silang mahanap ang bangkay ni Frederick kung itatapon ito sa ilog. Kailangan niyang mag-isip ng paraan. Pero mukhang tinulungan sila ng Diyos. Bago pa man mahawakan nina Mauro at Mang Johnny si Frederick, may isang puting kotse ang paparating sa kinaroroonan nila. Delikado kung may makakita sa krimeng ginawa nila, kaya nataranta ang dalawa. "May papunta rito! Kailangan na nating umalis dito!" pansin ni Mauro na biglang tumakbo. Sumunod si Mang Johnny sa kasabwat. Nakita ni Jobert ang paparating na kotse at mukhang lasing at wala pa sa katinuan ang driver. Naisip niya na baka masagasaan si Frederick dahil nakahiga pa rin sa kalsada ang lalaki. Tumayo na siya sa kinatatayuan. Nilapitan niya ang katawan nito sa kalsada at kinaladkad papunta sa gilid. Nakita sila ng tsuper ng puting kotse. Huminto ito at ibinaba ang bintana, saka sinabi kay Jobert, "T*ng-*na lasing din iyan?! Okay 'yan pare!" Nakangiti pang tinungga nito ang isang bote ng beer at binuhos sa ulo. Isinara nito muli ang bintana ng kotse at nagpatuloy sa pagmamaneho. "Ang weird n'on..." Napanganga na lang si Jobert na sinundan ng tingin ang lasenggerong tsuper. Hindi magtatagal at mapapahamak din ang isang iyon. Pero ginamit ng Diyos ang lalaking 'yon para iligtas sila, kaya sana mabuhay pa 'yon sa car accident. "Uh..." ungol ni Frederick na nagising na rin sa wakas. Kumislot ito sa pagkakahiga sa gilid ng daan. "Fred! Buhay ka pa!" gulat pero masayang sabi niya. "Oo. B-bakit bumalik ka pa?" "Baliw ka ba? Hindi kita kayang iwan!" Wala itong sinagot pero hindi pa rin makatayo. "Tara na Fred! Baka bumalik sila Mauro rito! Tumakas na tayo!" Pagkasabi niyon ay hinila na niya si Frederick para bumangon. "Aray!" sigaw ng lalaki dahil tumama ang sugat niya sa sementadong daan. "Oh no! Sorry, saan ka ba tinamaan?!" "Sa pwet!" "Ano?" Tumingin ito sa kanya at galit na sinabi, "Sa pwet nga eh! Nakatayo ako kanina pero binaril ulit ako ni Mang Johnny kaya bumagsak ulit ako. Akala niya sa ulo ako natamaan pero sa pwet!" "Ang layo naman ng ulo sa puwet," komento niya. "Nagpanggap lang akong patay kanina. Tulangan mo akong makatayo! P*tcha!" naiinis na sabi ni Frederick. Hinila niya ang balikat ni Jobert. *** Iika-ika sila na naglalakad sa kalsada. Inalalayan ni Jobert ang kaibigan na may tama. Nakaakbay ang braso niya sa balikat nito. "Ano nang gagawin natin?" tanong niya habang binabaybay nila ang walang katao-tao at tahimik na daan. "Patawad Fred, kasalanan ko 'to. Tama ka dapat tumawag na lang tayo ng pulis. Magsumbong na tayo sa pulis ngayon." "Hindi pa natin kilala ang boss nila." "Ha?" Nagtaka siya sa narinig. "Kung magsusumbong tayo ngayon sa pulis, sina Mauro at Mang Johnny lang ang mahuhuli. Sa tingin ko isa sa mataas na empleyado ng hospital ang boss nila. Narinig mo ba ang tinawag nila sa boss nila kanina? Dok ang tinawag nila sa boss nila. Baka makatakas pa ang mastermind. Hindi dapat siya maalerto. Dapat natin siyang isahan," paliwanag ni Frederick. "Higher employer ng ospital ang boss nila?" Hindi pa rin siya makapaniwala. "Sino naman sa tingin mo ang may pakana? Maraming doktor at matataas na tao sa ospital." "Jobert, may hinala ako. Kamag-anak siya ng director ng ospital. Isang pediatrician. Malapit kay Kassie." Nanlaki ang mata niya at napatingin nang diretso sa kausap. "Si Brandon? Bakit naman siya ang iniisip mong boss nila Mauro?" "Isipin mong mabuti, lagi siyang nasa mortuary kahit hindi naman siya employee ng facilities." "Fred, syempre nandoon ang girlfriend niya e. Nandoon si Kassie." "Tatlong buwan pa lamang sila na magkakilala, gusto na agad nilang magpakasal? Isipin mo nga ang amount of b*llshit sa relationship nila!" Nanghihinala ang mga mata ni Jobert nang tumingin kay Frederick. "Bitter ka lang yata?" "Ang punto ko, ginagamit niya si Kassie para makapasok siya sa loob ng mortuary kahit kailan niya gusto. Doon niya nakilala si Mauro na naging kasabwat niya sa krimen," hinuha ni Frederick. Napaisip naman si Jobert. "May punto ka pero walang katibayan." "Then we need to gather evidences. Hindi dapat maalerto ang mastermind sa nakawan kundi makakatakas siya. Kung tama rin ang hinuha ko, mapapahamak si Kassie." Nag-alala bigla si Frederick nang maalala ang babae. "Oh it's all about Kassie, isn't it?" tila nanunuksong sabi ni Jobert. "It's always all about her, idiot." "Anong plano mo? Saka may tama ka ng baril, bro. Kailangan nating pumunta sa ospital," suhestyon niya. "Mababaw lang ito. Huwag kang mag-alala. May kilala akong makakagamot sa akin." Tumingin si Frederick sa kalsada. Nanalangin siya na sana gising pa sina Keith at Aaron nang ganitong oras. *** Dumiretso sila sa apartment na malapit sa St. Luis Public Hospital. Bukod sa co-worker ay roommates din sina Keith at Aaron. Parehong galing sa probinsya ang dalawa at dumayo lang sa Manila para magtrabaho. Nagkasundo rin sila na maghati sa paupahan para makatipid. Sa totoo lang ay parang magkapatid na nga ang dalawang iyon. Kumatok si Jobert sa pinto ng apartment nila at binuksan naman iyon ni Keith. Nagtataka ang mukha ng binata. "Bakit nandito kayo? Gabi na ah?" "Keith emergency please," pagmamakaawa ni Jobert. "Napalaban kami." Dumako ang tingin ni Keith kay Frederick na nahihirapan nang tumayo at inaalalayan na lamang ni Jobert. Naintindihan agad nito na may gulong naganap. "Pumasok kayo!" sabi nito. Nang makapasok sila ay nag-check muna si Keith sa labas kung may nakasunod ba kila Jobert. Pero wala naman siyang nakita, kaya sinara na niya ang pinto. Inihiga nila si Frederick sa sofa. Nahihilo na ang lalaki dahil tumatagas pa rin ang dugo nito mula sa sugat. Kumatok si Keith sa kwarto ni Aaron. Lumabas naman si Aaron na may hawak na cellphone at may nakasaksak na earphone sa tainga. "Ano ba Keith? Kausap ko pa si Rica eh!" reklamo ni Aaron na kunot ang noo, pero nawala ang inis nito nang makita sina Jobert at Frederick sa sala. "Anong nangyari sa inyo?" "Help Aaron!" sabi ni Jobert. *** Bago magtrabaho sa Mortuary, isang registered nurse si Aaron at may kaalaman sa paggagamot ng gunshot. May kompleto rin siyang set ng first aid na magagamit niya para kay Frederick. Natanggal na niya ang bala sa binti ng lalaki. Ngayon kailangan niya namang asikasuhin ang isa pang tama ng kaibigan. "Ah!" Ganoon na lang ang ungol ni Frederick habang nakadapa sa sofa at tinatanggal ni Aaron ang bala sa pisngi ng puwet niya. "Ano ba?! Huwag kang malikot!" reklamo ni Aaron. "Nararamdaman ko pa rin ang sakit eh! May anesthesia ba talaga 'yan?!" balik-reklamo rin ni Frederick. "Oo mayroon! Tiisin mo na lang kasi!" Naiinis nang sabi at inilapit ang mukha roon dahil nahihirapan siyang makita kung nasaan ang bala. "Ouch!" Ungol ulit ni Frederick na naiiyak na sa sakit. Samantala sa labas naman ng apartment. Nag-aayos sa hand-mirror si Rica. Nag-retouch lang siya ng lipstick para maging presentable sa pagharap sa pinakamamahal niyang boyfriend. Nakaugalian na niyang i-surprise si Aaron at biglang sumulpot sa apartment nang walang paalam. Nang makita na maayos na ang itsura, maagap na binuksan niya ang pinto ng unit. "Darling Im here!" Nakangiti pa niyang bungad habang nakataas ang dalawang kamay. "Ah! Aaron masakit!" "Tiisin mo!" "Uh!" "Ang likot naman eh!" "Ouch!" Hindi iyon ang inaasahan niyang makita. Nakatuwad si Frederick sa sofa, naka-expose ang puwit at iyong mukha ni Aaron ay nandoon. Natigilan sina Aaron at Frederick nang makita siya at sabay-sabay silang napanganga. "Ang...." "......." "......." "ANG BABABOY NIYO!" bulaslas ni Rica. Umabot yata ang boses niya sa labas ng apartment. Nandidiri at mukhang nasaktan na sinuntok pa niya ang pader, bago tumalikod at naiiyak na akmang lalabas ng pinto. "Darling, no wait! Mali ka ng nasa isip!" Lumapit agad si Aaron sa kaniya. "Ako pa ang mali? I caught you redhanded!" "Ha? Darling ang dumi ng isip mo wala kaming—" "At si Fred pa talaga? Tinutukso mo siya kay Kassie pero 'yon pala ikaw ang nagnanasa sa kaniya!" "You're not listening!" "Dapat inamin mong pusong babae ka. Hindi 'yong ganito!" "Excuse me!" Sumingit na si Frederick sa kanila. Nakadapa pa rin ito sa sofa at hindi makatayo. "Hindi pa kami tapos, Rica! Patapusin mo muna kami!" "Hmp! Ang baboy mo, Fred!" gigil na sabi niya na napadabog ang mga paa dahil sa sobrang inis. "Darling, let me explain!" Nawawalan na ng pasensyang sabi ni Aaron na hinawakan ang magkabilang balikat ni Rica at diretsong tumingin sa mga mata ng kasintahan. Natahimik naman ang babae. "Binaril sila ni Mauro at ginagamot ko lang ang tama niya!" "Hmmm? Really?" tanong ni Rica sa mahinahon na tinig. "Yes." Kalmadong tumango si Aaron. "Awww darling! You should say that earlier," biglang sabi na yumakap nang mahigpit sa lalaki. Naglambingan pa sila sa harap ni Frederick na mukhang mamamatay na dahil sa pinsala."Hay nako naman!" Napasapo siya sa mukha. "Napapaligiran ako ng mga baliw." "Teka lang, anong sinabi mo kanina? Si Mauro?" Lumayo si Rica at nagtatakang tumingin kay Aaron. Ngayon lang niya napagtanto ang sinabi ng binata. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD