EPILOGO: NICOLE'S DILEMMA

2084 Words
After 3 months... "Aba! Magre-resign na rin si Rica?" Napalingon si Nicole nang narinig niya ang malakas na boses ni Keith. Kasalukuyan siyang nagma-make up ng bangkay at kasama ang mga katrabaho sa loob ng morgue. Lumipas ang tatlong buwan at hindi pa rin nakakalimutan ng mga tao ang nangyari sa mortuary. Natatandaan pa ni Nicole na noong bago pa lamang ang balita, ang daming media reporters ang pabalik-balik dito. Sumikat ang hospital sa maling paraan. Pakiramdam din ng head nila, nasira ang reputation ng St. Luis Hospital dahil sa mga pangyayari. Kahit tapos na ang problema at naibalik na ang lahat ng ninakaw na bangkay, pinag-uusapan pa rin ang kwento ni Brandon. Punong-puno ng kuryosidad ang mga tao kung paanong isa sa mga doktor ay naging isang necrophiliac. Kumirot ang isang bahagi ng puso ni Nicole nang maalala ang mga pangyayaring iyon. Hindi niya pinahalata ang sakit na nararamdaman at bumalik ang mga mata niya sa paglalagay ng blush-on sa pisngi ng bangkay. "Yes." Tumango si Aaron. "Magre-resign na siya rito balak na kasi namin na mag-live in. Alam mo naman na isang buwan nang buntis si Rica. Kaya Keith aalis na rin ako sa apartment. Kapag nakaipon na kami, magpapakasal na kami agad. Ayaw ko naman na ipanganak ang anak ko na walang maayos na pamilya." Nakaramdam ng kalungkutan si Keith sa narinig pero para naman ito sa ikaliligaya ng mga kaibigan niya. "Mag-isa na pala ako sa apartment kung ganoon." "Bro, dadalaw pa naman kami ni Rica eh." "Okay lang. Ano ka ba? Goodluck sa inyo ni Rica ha?" Pilit na ngumiti si Keith na tinapik ang likod ni Aaron. "Kapag kinasal na kami, best man ka, ha? Niyaya ko rin si Frederick na maging ninong ng anak ko." "Oo ba. Kami rin ni Liesel kapag kinasal, best man ka rin." "Kapag nag-propose ka na kay Liesel, papayag kaya si Dr. Pierro? Hindi ba siya terror na father-in-law?" Naalala nila ang doktor. Co-worker pa rin nila sina Dr. Pierro at Dr. Lambert. "Terror talaga at sobrang strict. Kapag may date kami ni Liesel may curfew kaya nga nahihirapan ako e," sabi ni Keith, "Sa tingin ko ay mauuna pa sa amin ikasal sina Kassie at Frederick." "Speaking of Kassie, tatlong buwan na pala ang lumipas ano? Nami-miss ko rin siya rito pero it's for the best. Tama lang na nag-resign siya." "Kailangan niya talagang umalis dito dahil ang daming tsismosa rito sa ospital. Lagi pa siyang pinupuntahan ng media para tanungin ng kung ano-ano, saka para makalimutan na rin niya si Brandon," wika ni Keith. "Kaya nga eh. Naibalik na ang mga bangkay sa pamilya, nakulong na sila Mauro at patay na si Brandon pero— " Naudlot ang sasabihin sana ni Aaron nang may kumalabog sa likod. Napalingon sila at nakita si Nicole. Hindi sadyang nahulog ng babae ang airbrush foundation. "S-Sorry." Nahihiyang paumanhin ni Nicole na dinampot iyon at inilapag ulit sa mesa. Nanatiling nakatitig lamang sina Keith at Aaron sa babae. Noong mga nagdaang araw ay sobrang tahimik ni Nicole. Para bang lumalayo at umiiwas sa kanila ang dalaga. "Ayos ka lang Nicole?" tanong ni Keith sa babae. "Oo, p-pasensya na. T-tapos na ako. Itutuloy ko na lang ang iba bukas. M-Mauna na ako sa inyong umuwi," sagot niya. Hindi siya makatingin ng diretso. Kinuha niya ang bag sa gilid at lumabas siya ng pinto. "Sige. Mag-iingat ka sa byahe Nicole." Pahabol naman ni Aaron pero hindi na narinig ng babae. Sinundan nila ng tingin ang kaibigan. Sa totoo lamang ay nag-aalala sila rito. "Okay lang kaya si Nicole?" nangangambang untag ni Keith. "Nitong mga nakaraang araw, sobrang tahimik niya." "Hayaan muna natin, alam mo naman na first love niya si Brandon. Syempre masakit ito para sa kanya," malungkot ang tinig na sagot ni Aaron. "Ikaw naman kasi, sinabi rin ni Fred na huwag natin pag-uusapan si Brandon kapag nandyan si Nicole, 'di ba?" Sinisi pa ni Keith ang kaibigan. "Aba? Ako pa ang mali?" "Bibig mo kasi hindi mo mapigilan." "Ikaw ang nagsimula ng usapan!" Nagkasagutan at humaba pa ang pagtatalo nila. *** Lumabas si Nicole sa morgue. Tinanggal niya ang mask sa mukha at naglakad sa hallway. Nakita niya sa glass window ng post-mortem room sina Dr. Lambert at Dr. Pierro na masayang nag-uusap. Mukhang nagpapahinga lang ang dalawang doktor. May naalala siya na isang bagay. Nahinto siya sa paglalakad at tumingin sa dalawang pathologist. It feels nostalgic. Ganito rin ang naramdaman niya noong highschool. Lagi lang siyang nanonood sa mga kaklase niyang masayang nag-uusap. Wala siyang maituturing na kaibigan. Lone wolf din siya, katulad ni Brandon. "Nicole?" Bumalik ang diwa ni Nicole nang may tumawag sa kaniya. Napalingon siya sa nagsalita. Si Jobert pala, nagmo-mop ng sahig. "Excuse me lang. Lilinisan ko lang 'yong sahig," naiilang na sabi ni Jobert na tumingin sa ibaba. "Oh sorry," sabi niya at umurong sa gilid. "Congratulations nga pala, napromote ka bilang head custodian." "Ah, 'yon ba? Wala 'yon," nahihiyang tawa ni Jobert. Bumalik ang atensyon nito sa gawain habang sumisipol. Mukha ring masaya si Jobert. Malungkot at mabigat ang mga paa na naglakad muli si Nicole. Pakiramdam niya ay nag-iisa siya kahit may mga tao sa paligid niya. Sa totoo lang, kanina pa niya gustong umuwi. Kahit papaano sa bahay ay hindi siya nag-iisa. Dahil nakababa ang mga mata sa sahig, hindi niya nakita si Frederick. Nabangga niya ito sa hallway. Natigilan sila pareho at napatingin sa isa't isa. May kausap si Frederick sa phone habang naglalakad. "P-Pasensya na," naiilang na paumanhin ni Nicole at nilagpasan lang si Frederick. "S-sorry rin!" Pahabol na sabi ni Frederick na hindi na niya pinansin. "Fred, anong sorry?" -- boses ni Kassie. "Ah wala. Nabangga ko kasi si Nicole." Pagpapatuloy ni Frederick sa pagkausap kay Kassie sa phone at naglakad ulit sa hallway. Tumigil siya sa paglalakad at muling lumingon. Sinundan niya ng tingin ang likod ng katrabaho. "Nicole is getting weirder and weirder each day," aniya sa isipan. *** Maagang umuwi si Nicole. Nag-commute lang siya at sumakay sa LRT train patungong Cubao Station. Sabik na sabik na siyang makauwi dahil sa bahay ay may naghihintay sa kaniya. Sa loob ng mortuary pakiramdam niya ay walang nakakaintindi sa kaniya. Sa trabaho pakiramdam niya ay wala siyang kaibigan. Pero sa bahay, may isang tao na nakakaintindi sa nararamdaman niya. Siya lang ang nag-iisang kaibigan niya at katuwang sa buhay. Napangiti si Nicole at kinilig ang kaniyang puso. Nakarating siya sa Cubao at sumakay na lamang siya ng bus. Umabot ng isang oras ang byahe niya dahil laging mabigat ang traffic sa Edsa. Inabot siya ng gabi pero ayos lamang, ang mahalaga nakauwi siya. Mag-isa siyang nakatira sa inuupahang bahay. Dati ay kasama niya rito ang pamangkin pero umuwi na sa probinsya nila ito. Solo na niya ang bahay. Ay hindi pala, may kasama pala siya rito. Binuksan niya ang ilaw sa sala at inalapag sa sofa ang bag niya. Dumiretso siya agad sa banyo para magbihis ng damit. Sinuklay rin niya ang mahaba at nakalugay na buhok. Kahit walang make-up ay maganda itong si Nicole. Balingkinitan din ang katawan at malaki pa ang dibdib. Pinagpala siya sa asset. Tumingin si Nicole sa salamin at tinignan kung bumagay ang itim na nightgown sa kaniya. Kitang-kita ang magandang hubog ng katawan niya sa suot. Matamis siyang napangiti. Gusto lang niyang sorpresahin ang mahalagang tao sa buhay niya kaya siya nag-aayos ngayon. Nagsuot din siya ng dangling earings at nagpahid ng kolorete sa mukha. Sophisticated ang dating ng itsura niya sa pulang lipstick na ginamit. Pagkatapos makapag-ayos, umakyat siya ng hagdan. Dinig na dinig ang bawat hakbang niya sa baitang ng hagdan dahil sa 3 inch na takong. Nakarating siya sa pinto ng kwarto. Napangiti si Nicole at halata sa mukha ang kasabikan. Binuksan niya ang pinto at pinindot ang switch ng ilaw. Tumambad sa liwanag ang nakahigang bangkay ng lalaki sa kama. Nakasuot ito ng dark blue na suit at may sariwang boutonnière flower pa sa damit. Lumapit si Nicole at umupo sa gilid ng kama. Tinitigan niya ang gwapong mukha ni Brandon. "Nahirapan akong kunin ka pero mabuti na lang at walang nakapansin sa akin sa sementeryo. Sabagay tulog ang mga tao nang hukayin ko iyon. Huwag kang mag-alala, inayos ko rin iyong puntod. Ibinalik ko nang maayos para hindi sila makahalata na hinukay ko iyon," malambing na sabi niya na hinawakan ang pisngi ng bangkay. "Hindi nila tayo mahuhuli Brandon." Kinakausap niya ang patay kahit wala namang maisasagot iyon sa kaniya. "Ikakasal na sina Aaron at Rica. Si Keith ay mukhang maayos naman ang relasyon sa anak ni Dr. Pierro..." Bahagyang natigilan si Nicole at napayuko, "Iyong mahal mong si Kassie, masaya na rin kay Frederick. Samantalang ako, ano ang natira sa akin?" Nakaramdam siya ng selos at masama ang tingin na bumaling ulit kay Brandon. "Ano ba kasing nakita mo sa babae na iyon? Alam mo naman na hindi ka niyon mahal!" Parang siraulo na namula ang mukha ni Nicole at nag-umpisang maiyak. "Ang unfair mo Brandon. Masama pa rin ang loob ko sa ginawa mo!" Napahikbi siya at naisubsob ang mukha sa palad. Naalala niya noong mag-apply siya sa mortuary at nakita niya si Brandon sa lobby. Masaya siyang bumati sa binata at kinamusta ito pero ang sinagot lamang ni Brandon ay 'sino ka?'. "Hindi mo ako naalala? Naging kaklase mo ako noong highschool! Sabagay, isang beses lang tayo nag-date at kinalimutan mo na agad. Sabagay, hindi mo nga pala ako mahal," nagtatampong sabi ni Nicole. "Ewan ko ba kung anong nakita ko sayo siguro... dahil pareho lang tayo..." Lumapit siya kay Brandon at hinawakan ang magkabilang pisngi nito. "Hindi ka kilala ni Kassie pero ako kilala kita." Punong-puno ng pagmamahal na tumingin siya sa binata habang tumutulo ang luha sa mga mata. "Simula noong highschool sayo lang ako nagkaroon ng interest. Sobrang talino mo pero sobra mo ring tahimik. Hindi ka nagsasalita kapag hindi kailangan. Ang tingin ng mga kaklase natin sayo dati ay isang weirdo pero hindi kita nakita na ganoon. Napaka-mysterious mo kaya nakuha mo ang atensyon ko. Hindi mo alam pero alam ko lahat ng sikreto mo. Alam ko rin ang kwento tungkol sa pamilya mo. Nagkahiwalay ang papa at mama mo, walang gustong kumuha sayo. Ibinigay ka nila sa tito mo na ubod ng yaman. Iyong director ng ospital ang tito mo 'di ba? Alam ko rin kung paano ka niya tratuhin, Brandon. Mas pinapaboran niya ang anak niyang neurologist kaysa sayo. Kahit kailan hindi ka niya tinuring na kadugo. Ang mama at papa mo ay nagpakasal sa iba at may sarili ng mga pamilya. Iniwan ka nilang nag-iisa. Kinilala ka ba ng mga half-brothers at half-sisters mo? Hindi. Dinalaw ka ba ng biological parents mo? Hindi rin. Kahit nga sa burol mo ay hindi man lang sila nagpunta! Pero nagpunta ako Brandon. Nandoon ako. Pakiramdam mo ay walang nagmamahal sayo pero mali ka! Hindi mo kasi ako pinapansin. Natatandaan mo na? Iyong highschool tayo, nagkaroon ako ng lakas ng loob na i-approach ka. Sinabi mo sa akin na hindi mo ako gusto pero pumayag kang makipag-date sa akin kahit isang beses lang. Sobrang saya ko, hindi ko nakakalimutan ang araw na iyon. Doon ko nakita ang totoong ikaw. Ayaw mo sa maingay na paligid, it annoys you right? Kaya ka madalas sa library at sementeryo dahil hindi maingay sa mga lugar na iyon. Siguro dahil madalas ka sa sementeryo, nakita mo roon ang bagay na gusto mo. You're desperate for love and control. You're using those corpses to heal your abused and wounded heart. Matatanggap kita kahit sino ka pa dahil naiintindihan ko pero mas pinili mo si Kassie! How could you? How could you... H-How could you Brandon..." Nanatiling nakayuko si Nicole habang tumutulo ang mga luha sa mga mata niya. Ilang minuto na nanatili lamang siya sa ganoong ayos habang umiiyak. Maya't maya pa ay pinunasan niya ang mga pisngi gamit ang likod ng kamay at pilit na ngumiti. "But I've got you now. Hindi na mahalaga ang nakaraan." Tila nababaliw na tumawa si Nicole at lumipat siya ng puwesto. Pumaibabaw siya sa bangkay habang tinatanggal ang butones nito. "Do you like my nightgown Brandon?" nang-aakit pang sabi niya. "Or you like this?" Itinaas niya ang bistida. Wala siyang underwear. Hinalikan niya ang malamig na labi ni Brandon habang tinatanggal niya ang pants nito. Inilabas niya ang maselang bahagi ng lalaki at ipinuwesto ang p********e roon. Tawa nang tawa si Nicole habang nakikinabang sa katawan ni Brandon. *End*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD