Chapter Three

1798 Words
HINDI maiwasan ni Fina ang mapangiwi nang makita niya ang dami ng tao para ma-meet si Cade Morgan, kasalukuyan siyang nasa SM North Edsa, Sky dome. Laking pasasalamat na lang talaga niya kay Jo at VIP ticket ang ibinigay nito sa kanya kung hindi baka kahit na buhok `ata ng actor ay hindi niya makikita.           Kasalukuyan siyang nakapila, inaantay niya kasi si Jo, kahapon lang nito nasabi sa kanya na may ticket pala ito para magawa siyang masamahan sa fan meet.           Kaso hindi sila masyadong nagkaintindihan sa oras na magkikita sila kaya naman nagdesisyon siya na mauna na lang, tutal naman may numero ang bawat ticket kaya hindi na siya mag-aalala na mawawalan na uupuan.           Noong isang araw pa talaga siya hindi mapakali sa fan meet na `to kaya nga lahat ng trabaho na kailangan niyang gawin ngayong linggo ay tinapos na niya wala na siyang pake kung magkampo pa siya ulit sa opisina masigurado lang niya na walang magi-istorbo sa kanya ngayong araw.           Huminga siya ng malalim saka sinulyapan ang pila. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin nagpapapasok ang mga event marshal sa loob. Muli niyang sinulyapan ang sarili suot niya ang binili nilang putting dress at ang itim na gladiator sandal noong isang linggo.           Buti na lang siguro at nakinig siya kay Jo dahil siguradong maa-out of place siya sa manang looks niya. Everyone is surely here to dress to impress, saka sino bang magpapakitang mmmukhang basahan sa isang sikat na actor na si Cade Morgan? `Syempre wala.           Ito pa lang ata ang unang beses na naranasan niyang ma-concious sa itsura niya. Kinuha niya compact mirror sa shoulder bag niya. Katulad ng sinabi sa kanyani Jo ay hindi siya nagsuot ng salamin at ginamit ang contacts niyang madalang lang niyang isuot. Naglagay din siya ng light makeup at manipis na lip tint.            Simula `ata nang makapagtrabaho siya ito pa lang ang unang beses na nagmukha siyang presentable nang lumabas.             Nabalik lang siya sa kasalukuyan nang makarinig siya ng pagkakagulo sa pila, iyon pala ay nag-uumpisa nang magpapasok ang event marshall. Dali-dali niyang ibinalik ang compact mirror niya sa bag saka kinuha ang ticket niya.           Inunang pinapasok ang grupo nila, syempre dahil sa VIP ang grupo na pinipilahan niya ay una silang pinapasok.             May kung anong inabot sa kanilang number ang organizer. Hindi niya alam kung para saan `yon pero agad niyang inilagay sa bag niya, kasunod namang ibinigay sa kanya ang mga merchandise at poster ni Cade. Wala sa sariling napangiti siya nang makita niya ang mukha ng paborito niyang actor.           Iginiya na sila ng mga marshall sa designated nilang upuan, inilibot niya ang tingin sa paligid pero kahit na anino ng kaibigan niya ay hindi niya makita.           Napansin niya ang paglamlam ng liwanag sa buong lugar kasunod ang pagpasok ng mga tao sa venue.             Naramdaman niyang nag-vibrate ang cellphone niya agad niya `yong sinagot.           “Hello girl, `San ka na?” salubong nito medyo maingay na ang background nito tanda na nasa loob na ito ng skydome.           “Nasa harap hindi ba magkatabi lang tayo ng upuan?” natatawang sabi niya.           “Girl, ang dilim hindi ko masyadong maaninag `yung number ng mga rows.“           Hindi niya maiwasang mapatayo saka inilibot ang tingin sa lugar masyadong malaki at nagpapasukan na rin ang maraming tao kaya hindi niya makita si Jo.                      “Sige, itataaas ko ang kamay ko kita mo na?” iyon ang ginawa niya at bahagya pa niyang ikinaway-kaway `yon para makita siya agad.           “`Ayon! Kita na girl, wait lang, pababa na me.”           Natawa na lang siya sa sinabi nito saka siya umupo na at ilang minuto pa at sumulpot na ito sa harap niya. Nakasuot ito ng isang cochella style dress na nagpatingkad sa hubog ng katawan nito kaya hindi na siya nagtataka kung bakit nakaagaw pansin ito sa marami.             “Grabe, ang daming tao! `Kala ko hindi na ko makakarating dito ng buhay, ang traffic pa sa Edsa!” reklamo ni Jo saka umupo na sa tabi niya.           “Sabi ko kasi sa`yo agahan natin.”           “Iyon na nga nakaligtaan kong i-set ang alarm ko so `ayon nganga.” Natawa na lang siya sa sinabi nito.           Hindi agad nagumpisa ang event kaya inaliw muna nila ang sarili sa pakikipagkuwentuhan           Hanggang sa dumating na ang MC at biglang dumagundong sa buong skydome ang tilian ng mga fans na kahit siya na hindi naman sanay sa sigawan ay hindi maiwasang madala sa excitement sa buong lugar habang si Jo ay supportive lang sa pinaggagawa niya sa tabi niya.              Kasabay ng ingay sa buong lugar ay ang lakas ng t***k ng puso niya na nakikipasabayan siguro hindi na rin niya maiwasang ang makaramdam ng kaba lalo pa at saw akas ay makikita na niya ng personal ang lalaking dati sa mga poster at movies lang niya nasisilayan. Siguro dapat na isama na rin niya ang panunuod ng mga talkshows or palabas kung saan ito nakikita na palagi na lang nire-recommend sa kanya ng mga apps na gamit  niya  dahil sa pagiging stalker niya ditto.           “Are you ready, girls!” iyon ang bungad sa kanila ng host riling them up with excitement. Nakaligtaan na niya ang pangalan nito dahil mas inuna niyang i-assess ang nararamdaman niya kaysa ang makinig dito nang ipakilala ang sarili.           Kanya-kanyang sagot at sigawan ang mga tao sa lugar na halos hindi na niya maintindihan kahit na sinasabi niya.             “Medyo mahina isa pa, ready na ba kayong lahat na makita at makilala  si Cade Morgan?” itinapat pa nito ang hawak na mic sa kanila na agad nilang binigyan ng isang positibong sagot. “Kaya ano pa nga ba ang hinihintay natin? Let’s all please welcome, Cade Morgan!”           Kung ang iba ay halos mahimatay na kakatili o ang iba naman ay kanya-kanyang paraan na para makakuha ng picture siya naman ay biglang natahimik nang lumabas ang lalaki mula sa back stage.           Wearing a white polo longsleeve with a wide shoulder, jeans that fitted on his mascular thigh and comfortable rubber shoes, he looks like a rugged prince that came out of a book.           “Serafina, breathe!” natatawang untag sa kanya ni Jo sa tabi niya nang mapansin siyang napatda sa kinauupuan.           Sunod na lang niyang namalayan ay medyo kumalma na ang buong lugar nang makaupo na si Cade sa makeshift sofa at nagumpisa na ang ilang program para sa fan meet.           Sa totoo lang kaysa intindihin niya ang mga nagiingay na audience ay masaya na siya sa pago-obserba kay Cade, para sa kanya mas nakikita niya ang totoong ugali ng isang tao base sa nakikita niyang aksyon nito.           Somehow, hindi niya maiwasang makaramdam ng pamilyaridad sa mga simpleng mannerism nito, pakiramdam niya kasi parang nakita na niya ang mga ganoong gesture sa isang tao.           Nakatutok lang ang mata niya kay Cade at halos hindi na rin niya pinapansin pa ang kasama niya. Sa isang parte ng program nito hindi niya alam kung nagkataon lang o ano pero pakiramdam niya ay napansin nito ang titig niya at parang sandaling nagtama ang kanilang mga mata.           “Didn’t he just looked at you?” nanunuksong tanong sa kanya ni Jo.           “Hah?” tanong niya dito at napailing na lang sa kanya.           “`O siya, sige na nga, go and make your day,” natatawang sabi nito sa kanya saka sumandal sa may upuan nito.           Sa mga sumunod na sandali ay nag enjoy na lang siya sa buong fan meet kahit na ba hindi niya maiwasang magtaka kung bakit hindi lang iilang beses na nagtama ang mata nila ni Cade.           Hindi niya maiwasang magtaka pero hindi naman siya ambisyosa at felingera na napansin talaga siya nito.           Ngayon ay mag-start na ang isa sa mga pinakakaabangan ng lahat, ang poster signing, handshakes at at selfie with Cade.           Ang weird lang kasi usually sa mga Korean stars lang niya nababalitaan ang mga ganitong event pero hindi niya akalain na napapayag ng organizer sa Pilipinas na mag fan meet ito lalo pa at alam niya ito ang klase ng Hollywood star na masyadong private ang buhay.           Katulad nga ng sinabi sa kanya ni Jo ay hinayaan lang siya nitong mag-enjoy sa fan meet pero sa hindi niya malamang dahilan ay bigla na lang siyang kinabahan at pakiramdam niya ay may kung anong mga paru-paro siyang nararamdaman sa sikmura niya.           Huminga siya nang malalim at binilang ang mga natitirang tao na nasa unahan niya.           Apat…nakita niya nang malapitan ang nakakasilaw nitong mga ngiti.           Tatlo…narinig niya ang baritonong pero malambing nitong boses at hindi niya maiwasang makaramdam ng inggit sa mga babaeng nakakarinig ng boses nito.           Dalawa… naamoy niya ang pabango nitong sa tingin inanunsiyo nitong pinakabarito na niyang amoy para sa isang lalaki.           Isa…. nagkatapat na silang dalawa ni Cade at sa hind niya malamang dahilan nakita niya sa luntian nitong mga mata ang tila nakatagong lamig at kalungkutan na hindi niya maintindihan kung saan galing.           “Miss? Excuse me?” nabalik lang siya sa kasalukyan nang kunin nito ang atensyon niya.           “Sorry,” nahihiyang sabi niya.           “It’s okay, can I have your name please?” tanong nito habang akmang magsusulat na sa poster na nakalaan para sa tulad niyang bumili ng VIP tickets.           “Uh, Fina that’s my name.”           Nagtaka siya nang bigla itong matigilan saka muli siyang tiningala at sa kung anong dahilan ay para siyang may nakita siyang kakaibang kislap sa mga mata nito.           “Just Fina?”            Hindi niya alam kung bakit tinanong pa nito ang buo niyang pangalan at sa totoo lang ay nararamdaman na niya ang nakakatusok na mga tingin sa mga nakapila pa niyang kasunod dahil sa kanya lang nagtagal ang pila.           “Serafina, Serafina Fabellore,” nang ma-realize niya na ibinigay na niya ang buong pangalan nito ay hindi niya maipigilang mag-init ang pisngi sa pagkapahiya.            Tumango-tango ito, ang akala talaga niya ay ilalagay nito ang buong pangalan niya pero ganon na lang ang gulat niya nang ‘Sera’ lang ang ilagay nito.           Hindi niya maiwasang magtaka kung bakit iyon ang isinulat kaso ay agad siya nitong kinamayan at iginiya siya na tumingin sa official photographer para sa fan meet kung saan din nila kukunin ang selfie nila mamaya.           She was in daze nang ma-realize niya na nasa ibaba na pala siya ng podium. Ang totoo kasi niyan ay sa tanang buhay niya ay iisang tao lang ang tumawag sa kanya ni Sera.           It was an upperclassman noong highschool siya si Niall, siya ang unang kaibigan ko noong highschool because she’s just different.           Huminga siya ng malalim, baka kasi nagkataon lang isa pa para sa mga taong nakapaligid sa kanya she’s plain old Fina not Sera.           Hindi nga lang niya akalain na sa isang pagkakataon na `to ay mararanasan niya ang isang mundong hindi niya `ni minsang akalain na mapapasok.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD