"You need to give that Migs a gift."
"I am planning to give them a nice post-wedding gift. Narinig ng mga batang magpapakasal daw uli sa simbahan. You know, we were never married in church."
Pinagmasdan niya ang lalaki, naghanap ng kahit na anong palatandaan na apektado pa rin ito sa dating asawa, pero wala siyang nakita, tulad noon. Mukhang talagang tanggap na nito ang lahat.
Hindi niya maiwasang sambitin, "Amazing."
"What is?"
"That two people who were once very much in love can end up." Hindi na itinuloy ni Aey ang sasabihin at ikinumpas ang kamay.
"It's not amazing. It's sad."
"That, too. Hindi ka ba nalungkot noong nalaman mo ang tungkol kay Migs? Kahit kaunting lungkot lang?"
"Nalungkot lang ako noong naisip kong baka lalong hindi umalis ng Cebu ang mga anak ko." Ngumisi ito, ngisi ng tagumpay.
Evil grin.
"Migs is on my side now that he's decided to take his business here in Manila."
Ang lakas ng halakhak ni Aey. "Ano pa ang balita kay Vivian?"
"She seems happy and in love."
"No trace of jealousy."
"It has long been over, Aey. Alam mo 'yan"
"Oo, pero nakaka-amaze. Kayong mga lalaki, wala kayong nostalgia sa sarili. I would think an ex-husband would at least feel something. After all, hindi kayo naging magkaibigan ni Vivian pagkatapos ng hiwalayan."
"I tried to apologize. I tried many, many times. She would always end up saying that it was okay, but then she will think of things to make me not see my children."
"Mahirap dahil madalas na gusto kong kunin ang mga bata, gamitin ang karaparan ko, pero ayokong maapektuhan ang mga bata. Ayoko ring sabihin sa kanila na ang mommy nila ang dahilan kaya hindi ko sila makasama. It's hard but finally, things are looking up."
"And Rica?"
"She's okay."
"Did you really love her that much before? To leave Vivian for her. Oo, ang sabi mo hindi siya ang dahilan, pero napabilis ang hiwalayan dahil sa kanya."
"True."Tumango si Apollo.
"Yes, I was in love with her. Madly in love for years."
"And then?"
"And then she changed. People always do."
Madalas iyong marinig ni Aey kay Apollo sa mga kaswal nilang usapan. Parang inaasahan nito sa bawat ito ang pagbabago at hindi pagbabago sa maganda.
She couldn't blame him though.
Paano ba niya masisisi ang isang lalaking nadala na sa mga naranasan sa buhay? Nakipaghiwalay ito sa asawa nang magbago iyon. Mayroong babaeng agad na pumalit. Siguro nga, sa simula ay masayang-masaya si Apollo kay Rica.
Ganoon lang siguro ang natural na reaksiyon ng isang taong namomroblema sa kapareha at nakatagpo ng bago. Bagong iba na parang taglay lahat ng katangiang wala sa kapareha.
He fell in love with Rica. Madly in love. But then Rica changed, too. Nahirapan si Apollo sa paghihiwalay na iyon.
"What was the hardest part in getting over Rica?"
"Hmm..." Hinawakan nito ang baba, nag-isip.
"I think it was the fact that it did not involve a huge fight. Walang sigawan, walang third party, walang sumbatan. It was just two people having a conversation and agreeing that they can't be together anymore."
Hindi ma-imagine ni Aey dahil ang mga naging boyfriend niya ay nauwi lahat sa masaklap na hiwalayan. Tatlo ang kanyang naging boyfriend. Dalawa sa mga iyon, isang buwan pa lang ay nambabae na.
Ang ikatlo, ginawa pala siyang babae at mayroong original na girlfriend! Mabuti at nalaman niya dalawang linggo pa lang silang magkasama.
"Do you still love her?" Iyon siguro ang tanong na matagal nang nasa dulo ng kanyang dila. Matagal na niyang gustong malaman ang sagot.
"No."
"You seem to."
"I do?"
"Siya ang manager mo ng negosyo sa Cebu, magkasama kayo sa mga family gathering."
"She has been a part of the family but no, I am not in love with her anymore."
Tumango si Aey, saka itinanong, "Any new prospects?"
"None as of the moment... I..." Tumingin sa kanya si Apollo, parang may gustong sabihin pero nauwi sa pagtingin sa kanyang mukha.
"Y-yes?"
"Nothing." Bahagyang ngumiti ang lalaki, nagkibit-balikat.
"It's just that not a lot of women I know want something that wouldn't end up in either living together or getting married, both of which I don't think I would like to do again."
He's so scarred, she thought. May humaplos na simpatya sa kanyang puso. Naiintindihan niya ang lalaki. Higit sa lahat, alam niyang mabait na tao si Apollo. Nagkataon lang na hindi naging mabait dito ang sitwasyon.
"Ibang-iba ka na sa dating rebeldeng pabanda-banda, alam mo ba 'yon?"
"I told you, people change. It is the only thing that is constant in this world." Ang karanasan nito ang nagsasalita.
She was filled with an overwhelming need at that moment. A need to prove to him that not all women are like his exes. Some were willing to stand by him and be an overall cool partner in life.
Si Vivian ay nagbago, naging istrikto at mapanakal.
Si Rica ay nagbago, naging mapagbawal din.
I can stay the same. We can be the greatest team the world has ever seen. Baka ikaw at ako pala talaga ang para sa isa't isa. Hindi mo ba naisip iyon kahit minsan lang? She silently sighed.
Ang hirap magmahal nang patago kung nagsusumigaw ang pusong punong-puno ng pagmamahal.