Chapter 5: Secret agent
Brylle POV
Pumasok na kami sa kotse at umalis. Nang makaalis n kami bigla naman itong nagsalita. Please wag ngayon, di ko pa alam kong anong sasabihin ko.
“Brian, pano mo ginawa yun,Yung mga karate kid actions.” Sabi niya. Tumayo ito sa may kotse at ginagaya ako
“Umupo ka na nga, para kang timang”seryosong sabi ko
Looking at her in that position parang gusto ko nalang mamatay sa subrang kahihiyan. Ganyan ba talaga ako kanina? Umupo sia at kinulit na naman wala ba yong katapusan?
“Pero sa totoo lang,isa ka bang…” Sabi niya at nag iisip pa
Mukhang nang aasar ang isnag to, halata naman sa kilos ko kanina na may kakaiba talaga sakin. Mapapansin naman talaga ng kung sino yun.
“Isa ka bang ballerina boy…” Sabi niya na ikinatawa ko. Nakahinga naman ako ng maluwag ng sinabi niya to. The fvck!
“Oo isa akong ballerina” sagot ko
Well, ito pala yung sinasabi ni Major na may pagka isip bata ang isnag to. So what if e take advantage ko siya? Napahinto namna ako sa pagtawa ng hampasin niya ang dibdib ko
“Baket mo ba ko pinagtatawanan. Eh ang mga galaw mo kanina para kang ballerina” Sabi niya
“Grabe ka mag judge 100 percent wrong” Sabi ko. Sumimangot naman ito “Syempre bago ako naging bodyguard may mga pinag aralan muna kaming basic step para maprotektahan ang amo namin”
“Mag drive ka na nga diyan. Wag ka nang mang asar?” Sabi niya
Sa gwapo kong to, napagkamalang ballerina? Gosh tong batang to naku naman!
“I know that your still laughing.” Mahina niyang sabi “Hindi ka na nakakatuwa”
Sa utak lang naman ako tumatawa ah?
“Pano mo nalaman?” seryosong tanong ko
“Nakikita ko Kaya sa mga mata mo. You can’t hide it to me” Sabi niya
“Okay fine hindi na ko tatawa.Kahit na nakakatawa talaga” seryosong sabi ko
Nakarating na kami sa mansyon, hinatid ko si Xianelle sa kwarto niya. “Diyan ka lang wag kang lalabas, may tatawagan lang ako”
Iniwan ko ito at sinimulan ng tawagan si Major “Major I need your help, may cctv malapit sa UP diliman dun sa may gate, kanina lang inataki kami ni Xianelle ng kung sinong armado, kunin niyo yung cctv kasi may evidence yun plus hulihin niyo yung mga nagtangka ng buhay namin” sabi ko. Ginalit ako ng mga taong yun, how dare them to do that to me?!
“Okay, copy-copy. Kakabalita nga lang ngayon na may nangyari sa UP na putukan. At may mga bangkay din na nagkalat sa buong kalsada. Ako ng bahala dun, basta yung susi nahanap muna?”
“Hindi pa.. It’s been two days masyado pang maaga para mahanap ko yun dito sa napakalaking mansyon na to!” sabi ko “At yung hinihingi kong blueprint ng bahay hhindi mo pa binibigay, paano ako makakapagsimula?”
“Pero mas maganda talaga na mahanap mo na agad ang susi “ Sabi niya
“Sure ka ba talagang nandito sa bahay? Wala namang kahinahinala dito sa bahay na paglalagyan ng susi.” Sabi ko “At tsaka hindi ko na alam ang gagawin ko, baka mamaya andito na yung mga nagtangka samin!”
“Ganto Brylle, umalis nalang muna kayo diyan. Ipagpaliban mo nalang muna yung paghahanap at baka alam ni Xianelle yung tungkol dun. Basta ngayon ang gagawin mo lang ay huwag hayaan na masaktan yang bata, dahil siya nalang ang magiging pag asa natin. Mukhang papatayin na talaga nila si Xianelle”
“Sige…aalis kami dito.Pero ihanda mo Ang masasakyan namin at matitirahan” Sabi ko “Ano nga palang plano?”
“This is the plan…”Sabi niya
Tapos na kaming mag usap at pinuntahan ko si Xianelle sa kwarto niya, mukhang nanonood ito ng balita sa tv yung nangyari kanina
“Xianelle we have to leave” sabi ko napatingin namna siya sakin
“Leave? ”Tanong niya pinatay niya ang tv at lumapit sakin “Paano kong ayaw ko?”
“Gusto mo bang mamatay? Alam nila kong sana ka nakatira, at hindi naman masyadong secure itong bahay niyo kasi mabilis lnag akyatin yang mga pader sa paligid nito!” sigaw ko “If you don’t want to leave then I leave you her!”
Magy narinig naman akong putok mula sa labas. We’re late! Nasundan na nila kami!
“Brian umamin ka nga sakin?” naiiyak niyang sabi “Ano ba talagang nangyayari, bakit gusto nila akong patayin? At yung kausap mo sino baka ba talaga? Ba’t tinawag ka niyang Brylle samantalang Brian ang pagpapakilala mo sakin?!” naiiyak niyang Sabi
“Xianelle wala na tayong oras para magpaliwanag! Kailangan muna nating makaalis dito!” Sabi ko
“Pero naguguluhan na nga kasi ako! Kakampi ba talaga kita o may balak ka ring patayin ako gaya nung ginawa nila?!” naiiyak niyang sabi
Xianelle POV
“Does you trust me Xianelle?” Tanong nito skain
Naguguluhan na ako, ano ba yong nangyayari! And sa gitna ng giyarang to sa buhay ko, ba’t hindi man lang nagparamdam ang mga magulang ko?
“I trust you pero ewan Brian” naiiyak kong sabi
“I’m Brylle” sagot nito “If you trust me then may ibang ba dito sa bahay niyo para makaalis ng hindi nakikita ang kalaban?”
Wala akong choice, ang magtiwala kung sino mang dapat pagkatiwalaan. He save me from those who tried to kill me, sapat na siguro yun para pagkatiwalaan ko siya kahit ngayon lang.
Pinindot ko ang nakatagong button sa malaking picture namin ng pamilya ko na nasa may kwarto ko sa dingding. And there it goes—may lumabas na pinto at sa may pinto may hagdan “Saan to papunta?” tanong niya
“Sa labas sa may gilid ng gate, underground way to” sabi ko “Pinagawa to ni Daddy in case na nasa peligro ako malapit lang sa kwarto ko yung dadaanan.”
Naglakad lang kami pababa ng hagdan “May mga armas ba kayo or something na magagamit?” tanong nito
“Meron nasa baba” sagot ko
Safe kami dito, dahil nang pumasok kami sa pinto, nagsara na agad ito sa may kwarto ko. Ipagdadasal nalang talaga namin na walang naka abang dun sa may gate. Nang makababa na kami, binuksan ko yung kabinet at pinakita s akaniya ang mga baril dun. Binuksan ko rin ang isang kabinet gamit ang susi sa leeg ko ng hindi napapansin ni Brian.
Kinuha ko ang mga papeles dun ni Daddy at ng ready na sinara ko na ito. Hinintay kong matapos si Brian sa pag aayos. May dala itong baril ant mga bala na nakasuot sa buong katawa niya.
“Alam mo Ang tungkol sa key?” Sabi niya napalunok naman ako. Bukod sa pamilya ko, kumalat na ang tungkol sa tinatago naming susi?
Tumango ako “May susing binigay sakin si Daddy, at pambukas lang yung ng mga emergency cabinet namin” sagot ko
“Ang key na tinutukoy ko ang nagsisilbing susi ng kayamanan na pagmamay ari ng mga magulang mo at nasa pag mamay ari ito ng mga pulis ngayon” sabi niya
Kayamanan? Anong pinagsasbaing kayamanan nito?
“Pero pano nagkaroon ng kayamanan ang daddy ko?” Tanong ko “Ginawa lang nila yung susi para sa pagbukas ng emergency cabinet gaya nito”
“Ewan, basta ang investagation namin ay ipinagawa yun ng mga magulang mo para sa darating mong birthday party but noong flight nila para kunin yung box sa states ay may pumigil at pumatay na kanila” sabi niya
Para akong nanigas sa kinatatayuan ko at hinddi makapagsalita sa narinig. “In my 18th birthday binigay nila skain yung susi para maging ligtas ako at mabuksan ang emergency cabinet gaya nito” sabi ko at huminga ng malalim “What do you mean they’re dead? Pumunta sila sa state para sa business trip at hindi para sa kung anong box na pinagsasabi mo!”
Boses ko lang ang nagpaingay sa buong lugar! I hate this! I hate him and his nonsense news!
“May surprise bang ipapaalam? Think about it Xianelle. Nakakapagtaka nga riin kubg paano mo naging fiencee ang anak ni Brndon Ching?” sabi niya
“Of course we’re engaged kaya naging fiencee ko!” sigaw ko “And its our family will!”
“It’s not your family will! Isipin mo Xianelle bakit kaya pinapapatay ka na nila ngayon? Kasi wala ka ng pakinabang! And you make a mess lately sinabi mong boyfriend mo ako!” sigaw niya
“Anong connect ng lahat ng yan? Anong kinalaman nila Justin?” sigaw ko
“Pinapapatay ka na nila Justin kasi wala na silang makukuha sayo, imposible nng matuloy ang kasal niyo kasi unayaw ka and your parents is dead!” sabi niya
“No!!” sigaw ko “They can’t”
“They can” pag correct nito
“Paano mo nalaman lahat ng to?” tanong ko
“Because I’m an Agent” Sabi niya at ngumiti “A clever Secret Agent”
Brylle POV
Nakalabas na kami sa mismong daanan, buti nalnag talaga walang kalaban dito sa labas. Mukhang abala sila sa paghahanap samin sa loob. Nagulat naman ako ng makita ang katawan ni Manang Mildred na nakahandusay malapit sa gate! Kita kong tatakbo si Xianelle pero hinila ko ito dahil baka makita kami ng kalaban
Pero inalis niya lang ang kamay ko at lumapit sa matanda “M-manang huhuhu, please don’t leave me…” umiiyak niyang sabi
Ganyo ba siya ka close sa mga katulong niya? Kakaiyak niya lang kanina nang makitang patay na ang driver niya, sunod naman ang magulang niya at ngayon ang yaya niya
“Xhan, it’s my time to..aham..aham..s-say good bye to you my alaga. Hindi lahat ng oras mapagtatanggol ka namin. Dahil lahat ng buhay may katapusan-“ utal utal niyang sabi hawak naman ni Xianelle ang kamay nito at iyak lang ng iyak.
She’s hurting herself! Lumapit ako sa kaniya at hinila siya “Xianelle ano ba.. let’s go”
“Shut up Brian!” sigaw niya natauhan naman ako “Manang”
Wala na akong nagawa kong hindi sigawan at hilain siya! “Ano ba? Bat ba iyak ka ng iyak?” sigaw ko “Hindi ka na bata Xianelle your 23 act like one!”
Patuloy lang ito sa pag iyak at hindi ako pinansin. Ano bang meron sa babaeng to?
“No, no please” umiiyak niyang sabi habang hawak ang kamay ng patay na matanda “Manang wake up, wake up manang!!”
ABANGAN...
“Kala ko talaga pumayag kang mag 1 month leave hanggang sa kumalat nalang sa station na may new secret mission ka pala as bodyguard nitong heir na to” sabi niya “Hi Xianelle are you okay?”
A/N : Bakit kaya pinalabas na nag 1 months leave si Brylle ni Major?
To be continued …