Chapter 32: Battle Begin Xianelle POV Ito na ang araw na pinakahihintay namin, ang simula ng lahat ng pagsubok na kailangan naming lagpasan upang magtagumpay. Matagal na itong pinlano, pinag-isipan, at inihanda. At ngayon, narito na kami sa puntong walang atrasan. Kailangan kong gawin ang lahat ng makakaya ko upang matiyak na magtatagumpay kami. “Mam, pumikit po muna kayo. Lalagyan ko lang kayo ng eyeshadow,” pakiusap ng makeup artist na nag-aayos sa akin. Pumikit naman ako, hinahayaan siyang gawin ang trabaho niya. Kahit saglit lang, tinangka kong pakalmahin ang sarili ko, ngunit mahirap. Sa likod ng aking mga nakapikit na mata, tila naririnig ko ang bilis ng t***k ng puso ko. “Utos po kasi ni Sir Justin na dapat daw maganda kayo ngayon. Special day daw po ito para sa kanya,” dagdag

