Chapter 1: Undercover Mission Brylle’s POV Simula pa lang ng araw, ramdam ko na agad ang tensyon kay Xianelle. Ganoon siya kapag naiipit sa sitwasyon na hindi niya gusto. At bakit nga ba hindi? Malinaw na wala siyang choice kung hindi sumama sa undercover mission na ito—lalo na’t ako ang kasosyo niya. Ang kaso? Siya pa naman ang tipo ng tao na gustong simple lang ang buhay, walang complications. Ako naman, sanay sa gulo. Ang target namin ay isang high-profile drug syndicate na nakakalat sa iba't ibang lugar, pero ang pinakamatinding balita? May operasyon sila sa mismong loob ng paaralan. Isang bagay na nagiging perpekto nilang taguan. Sino ba namang mag-aakala na ang senior high school ay magiging lugar ng ganitong klase ng kriminalidad? Kaya heto kami ni Xianelle, undercover. Suot ko

