Chapter 20 Alice Ceo Perez's POV Bago kami umuwi ay dumaan muna kami sa isang park, doon ay kumain kami ng tanghalian. Pagkatapos ay diretso na kami pauwi, tulog din naman kaming lahat sa byahe. Since si Dylan na ang nagda-drive, ako daw ang huli niyang ihahatid. Si Joy ang inuna namin, kasunod ay si Jhake, tapos si Louie at Jane. Nung kaming dalawa na lang ay binuksan niya ang radio. Tumugtog ang With a Smile ng Eraserheads at sinabayan niya ito. Nakangiti akong nakatingin sakanya habang kinakanta niya ito. "Gumaganda boses mo ah." Nakangiting sabi ko sakanya. "Ikaw, parang hindi pa kita naririnig kumanta?" Aniya. "Pangit kasi boses ko eh. Wala sa tono." Natatawang sabi ko. "I would still love it." Saglit niya akong tinignan bago niya ulit ibinalik ang tingin niya sa daanan. Sina
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


