Chapter 10 - Let's Celebrate

2009 Words

Pagkatapos ng naganap na komosyon sa Light Metrobank, at pagkatapos ng ilang proseso para muling ma-access ni Luke ang kanyang mga ari-arian at pera, ay heto siya ngayon, pangiti-ngiti habang bitbit ang take-out na pagkain at binabaybay niya ang corridor patungo sa kanilang dormitoryo. Pagkapasok niya sa kanilang kwarto ay nadatnan niyang nakahiga sa sarili nitong kama si Tony habang nakatalikod ito sa kanya at nanonood ng videos sa cellphone nito. Agad na napakunot ang noo ni Luke nang makita ito. Hindi ba oras ng klase at alas dos pa dapat ang balik nito? Inilapag niya ang bitbit niyang mga supot ng pagkain na para talaga sa kanya at kanyang mga kasamahan sa dormitoryo. Gusto niyang ipagdiwang ang kanyang pagbabalik bilang isang anak mayaman kasama ang kanyang mga roommates. Pero ayaw

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD