Chapter 29

1052 Words

IRENE Walang pasok ngayong araw kaya maghapon lang ako sa mansion. Tinulungan ko sina Manang Lucia na maghanda ng hapunan. Naka-uwi na kasi galing ospital ang Daddy ni Jayem kaya plano ko sanang kumpletuhin silang pamilya mamaya sa hapag-kainan. Si Ate Yoona ay nasa opisina pa niya samantalang si Jayem ay kanina pang umaga umalis. Hindi ko na nga naabutan paggising ko. Five PM na. Ngayon pala ipapalabas iyong episode namin sa A day in the life of you. Pumunta ako ng sala kasama ang Mommy ni Jayem at umupo kami sa couch na magkatabi. “Ano panunuorin natin?” Tanong niya. “May show po kami ni Jayem Tita,” Sabi ko at binuksan ko na iyong TV gamit ang remote control. Tita, iyon ang tawag ko sa kanya. Kasi nga, hindi naman talaga kami mag-asawa ni Jayem kaya Tita lang para hindi awkward.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD