IRENE One year after. “I now pronounce you as husband and wife. You may now kiss the bride.” Masaya ang lahat ng tao sa paligid. May ngumingiti, may umiiyak, may kinikilig. Halo halong emosyon at tuwa para sa bagong kasal. Ang lahat ng narito ngayon ay ang mga taong nagmamahal at mahalaga kay Joy. Ito ang araw ng kasal niya. Nakakatuwa, hindi ako makapaniwalang nag asawa na ang best friend ko at masaya ako para sa kanya. After graduation ay nakilala niya ang lalaking magpapatibok ng puso niya. Ang Phil Canadian na si Phil. Kahit ilang months pa lang silang naging mag-on ay napagpasyahan agad nilang magpakasal. Ganoon kasi sila ka in love, pero sa tingin ko naman ay magiging strong ang pagsasama nila dahil mabait naman sila pareho. It was my turn to have a photo with the newlyweds

